Sabado, Hulyo 28, 2012

Writer Blues....

Bilang isang manunulat, syempre naranasan ko na din ang writer's block. Yung tipong, gustong gusto mo magsulat ng something worth reading, ang kaso eh, tila babaeng pakipot ang mga ideyang magaganda. Kung kailan mo inaakit na sagutin ka, eh ayaw mga magsilapit. halos matae ka na sa kakaisip, wala. Hindi pa rin darating ang  magandang idea.

Tapos kapag ikaw ay pagod na at nagnanais nang matulog nang mahimbing sa kama, BOOM! bigla siyang gagapang sa isipan mo at magsasasayaw, magiingay at hindi ka hahayaan na matulog ka. Pilit nitong nanakawin ang atensyon mo. Pilit tong magpapapansin sayo hanggang sa ikaw ay wala nang magawa kundi bumangon at ilagay ito sa papel o sa blog mo. Nakakabadtrip.

Sa kasamaang palad, eh ako ang tipong ma-pride, ika nga. Oo, napapansin ko ang ideya na nagpapapansin sakin habang sinusubukan kong matulog. Tulad kaninang tanghale. May dumating sakin na magandang ideya para sa isang istorya. Ang konsepto ay Love Story. Mahina ako gumawa ng love story. Paano ako gagawa ng love story kung ako mismo ay sawi? psh.

Anyway, hindi ako tinantanan nung konsepto ko na nabuntis si girl at nakikipagbreak kay guy. si guy hindi maintindihan kung bakit gusto makipagbreak. Tapos magkakaflashback sa kung ano ang mga nangyare. balak ko ay gawin ang storya mula sa POV ni Guy at girl. Tipong parang sa She's Dating the Gangster. Ayun.

Eh kaso, tinatamad ako bumangon kanina. So hindi ko siya nasulat. Hindi na din ako natulog. Umalis na lang ako papunta Cubao. Naglipas ng oras. Olats talaga ako. yan tuloy, may sakit nanaman ako ngayon. Psh. Ginusto ko to eh. Panindigan!

Ayun, medyo nakalimutan ko na kung paano ko isusulat yung kwento. Pero habang asa Cubao kanina, naisipan ko na eh. Kaso nakalimutan ko. Di bale. babalik din yun. sana.

Ang ideya ay parang pakipot na babae. Epal siya at mali ang timing dumating sa buhay ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento