Biyernes, Hulyo 27, 2012

Lumalanding Kabataan

"Bagay kayo..." "Hindi ah. mas bagay kayo..." Eto ang conversation na narinig ko mula sa grupo ng mga elementary school students habang naglalakad ako pauwi dito sa Quezon City.

Nakakatawa isipin, kasi kakatapos ko lang mapanuod ang episode ng Word of the Lourd na "Lumalanding Kabataan" nung gabi lamang. Panuorin mo ang episode na to ng ikaw ay may matutunan tungkol sa ating lipunan kahit onti.


*iaasume ko na napanuod mo.* Ngayon, base sa napanood mo, Lumalandi na nga ba ang kabataan? Bumabata na ang mga nagkaka girlfriend at boyfriend. Dumadami na din ang mga nabubuntis na teenager.

karamihan sa mga nag premarital sex ay hindi gumagamit ng condom. kapag nagpatuloy ng ganito ang kabataan ay darating ang araw na ang Pilipinas ay ang may mga pinaka batang lolo't lola. Dapat nga naman eh gabayan sila ng magulang nila ngayon pa lang. Lalo na ang mga teenager. Paano pa malalaman ng kabataan kung ano ang tama kung ang nakikita nila sa magulang nila ay puro kamalian?

Para sa mga kabataan, wag magpadalos dalos. Uso mag antay. Sabi nga di ba, True Love waits. Kung Talagang nagiinit ang katawan mo para sa ganong klaseng aksyon, eh andyan naman ang YouPorn. Pero joke lang yun. Maghanap ka ng hobby. Sumali ka sa Org sa eskwela niyo. Magpakasaya ka at enjoyin mo ang pagkabata. Dahil hindi mo na ito maibabalik.

At para naman sa mga magulang, tulad nga ng sabi ni Lourd De Veyra sa video, anong klase kang magulang kung mas naiimpluwensyahan ng internet and inyong mga anak.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento