Lunes, Hulyo 16, 2012

Ano bibilhin mo sa una mong sweldo?

Pag nagsama sama ang barkada, at naubusan na ng conversation topics, Eto lagi ang bigla nilang itatanong sayo. “Ano bibilhin mo sa una mong sweldo?”

Syempre, lagi ka dapat may sagot dyan. Meron iba ang sagot eh “Ewan”, Yung iba naman “bibilhan ko ng something nice ang sarili ko. Syempre unang sweldo eh, akin muna yun!” at yung mga less selfish: “ibibigay ko sa parents ko. Pandagdag gastos sa bahay.”

Syempre, kanya kanyang pera, kanya kanyang diskarte yan. Eh ako? Ano nga ba plano ko sa una kong paycheck? Kung tinanong mo ko nung high school, siguro sinagot ko eh, pang  tulong kina ina at ama. Pero nang tumanda ako, medyo naging selfish din. Hindi mo maiiwasan yun.

Kolehiyo. tinatanong ule sakin yan. Ang sagot ko naman ay: “ipapaupgrade ko ang pc namin.” “Bibili ako ng bagong playstation.” “bibili ako ng Video games pang ps2!” “bibili ako ng ganito… ganyan…” Kitams? napaka selfish! tsss…. pero never ko sinabi na gusto ko bumili ng bagong selpon. ewan. Never lang talaga ako nahilig sa mga bagong modelo ng selpon. Bilis din kasi malaos eh.

pero dati yan. Ngayon, pag tinanong mo ko, may bago na akong sagot. “Ano bibilhin mo sa una mong sweldo?”ako? papacheck up ako ng mata, at bibili ng bagong salamin.”

bakit kamo? Napaisip kasi ako. Ano nga ba ang pinaka may sense na gastusan ng una mong kita? Napagtanto ko na salamin ang best option. Dahil sa aking buhay trabahador, importante na tumayo ako sa sarili kong paa at makita ang mundo as it is. Eh paano ko makikita ang mundo kung malabo paningin ko?
Mula pagkabata ko eh si ina ang nagbabayad sa optometrist para sa yearly eye check up ko. Oo. kailangan yan.

Never ako nakamiss ng yearly eye check up ko every February.
So ayun, magpapacheck up ako. Bibili ako ng bagong salamin. gagawin ko tong simbolo ng aking independence. Ipapakita ko na kaya ko na harapin ang mundo ng magisa. na maliwanag ang lahat sakin.. etc. etc…

Ayos di ba? Mas may sense kesa video games, which, hindi ko na malalaro pagdating ng araw dahil magiging Working Class Hero na ako. (ang lungkot na ang saya isipin. hehe)
Kaya ayun. Ngayon alam niyo na kung ano gagawin ko sa una kong sweldo.

 Eh ikaw, ano bibilhin mo sa una mong sweldo?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento