Hindi kape ang tinutukoy ko. Hindi din Iced Tea. Araw ko ang masama ang timpla. Kanina ko lang ule naranasan ang mabadtrip ng sobra sobra. pssshhh...
Tara, inom tayo ng Cali at kkwentuhan kita. Sensya na. Hanggang Cali lang ako. Pero pwede na yan. hehe. Eto na. magsisimula na ako:
Sisimulan ko kahapon ng tanghale. Nagtxt si leader. sino daw pwede gumawa ng powerpoint para sa Sports Journ report namin. ako: "siguro naman may iba nang sasalo niyan. Ako na gagawa para sa Special Topics eh." Lumipas ang araw.
9:20 PM. Nag online ako. Nagwallpost si groupmate1: "Pwede ba ikaw na gumawa nung sinasabi ni leader na powerpoint?" Ako: sige. ano ba gagawin dun? Groupmate1: tanungin mo si groupmate2. etc...etc.....
nagmessage ako kay groupmate2: paano ba gagawin dun sa Sports Journ? nakakabadtrip na reply ni groupmate2: wow ah. kanina pa yung text ngayon lang nagtanong. si groupmate1 na lang ata ang gagawa.
ako: ako na daw. siya na daw magsearch. di ko naman alam na walang gumawa eh. sorry naman!
groupmate2: so iaasa nyo lang na "ah may gagawa na nyan" ganun. salamat ah.
nakakahiya naman sainyo. paguwi ko kase wala pong internet kay sinabi ko
kay ariane kaya kay groupmate1 pinagawa sorry naabala kayo. basahin mo
nalang yung comment ko sa wallpost kay groupmate1 okay. salamat sa paggawa
ng powerpoint.
pucha. sa reply niyan yan... tangina...... sobra ako nabadtrip. Kagabi ko lang ule naranasan ang pagkabadtrip ng husto! tangina, sinimulan niya eh. Ang ending, ako pa din gumawa ng powerpoint namin. Nagtext si groupmate2. tangina, nagsosorry dahil ang taray daw niya, etc.. etc...
mas lalo ako nagalit. pucha! Ang ayos ayos ng pagtanong ko, gagaguhin mo ko ng ganon, tapos ineexpect mo na magiging cool lang sakin lahat yun? Pota, mabait ako, pero sana naman di ba hindi ka ganyan? Ang bait bait ko sayong kaibigan, tapos ganyan. ayos ka ah.
Puyat ako. 3am na ako nakatulog dahil sa lintyak na powerpoint na yan. tapos, potangina, HINDI DIN NAGREPORT! Sumobra na pagkabadtrip ko kanina. Sa sobrang badtrip, natatawa na lang ako.
Hindi ko pinansin si Groupmate2 buong araw. badtrip ako sakanya. Kahit sabihin niya nagsorry siya, parang wala din eh. Naiinis ako sa ugali niyang yun. Hay nako.
Dahil sakanya ang sama ng timpla ng araw ko eh. tangina lang talaga. Ang totoo niyan, hindi lang ito nagpasama ng timpla ng araw ko eh. Madami pa. At dahil hindi pa ubos ang Cali ko, sige, itutuloy ko.
before class, si leader, inutusan kami ni Groupmate1 na bumili ng dyaryo dahil kailangan daw. kaya ayun, lakad kami papunta CEA. walang bilihan ng Dyaryo. Lakad kami Pureza. wala pa din. Nakahanap na kami, malapit na sa kanto. Pagkabili namin, nag aya na si Groupmate1 na magtricycle dahil nakasalubong na namin si prof papuntang College namin.
Edi trike naman kami. nakamput! HINDI UMIKOT SA COLLEGE NAMIN! dahil sa ginagawa ang daan, ang layo ng inikutan ng trike. nagpababa na lang tuloy kami sa may simbahan. at NAGLAKAD KAMI. pucha, ganon din. dapat naglakad na lang kami. di pa sayang ang siyete.
Oras ng klase. may nagreport. nagpakita ng video ng finals ng V-League. mga huling sandali na yun. Ayos. After nun, pinagawan ng kwento. nag init ulo ko lalo. leche. Bara bara tuloy ginawa kong article. pft! Pwede na yun.
haay.. pahamak ang Sports Journ. pero steady lang. Kailangan yan sa buhay natin eh. Pero swear, etong araw na to ang PINAKA NAKAKABADTRIP na araw ko so far. Nabbwisit pa din ako pag naaalala ko si Groupmate2. bahala siya. naiinis ako sa ugali niya.
kakalma din ako. Ako pa? Haay... Sige na nga. hanggang dito na muna. nakapagvent na ako ng ayos eh. Tska, ubos na din ang Cali ko. Pampaalis BV din. hehe.
Cheers!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento