Sabado, Hulyo 21, 2012

Ako ang Sentro ng Universe

Ngayon lang ule ako natulog na kay haba haba tulad nung bakasyon. Libre eh. Walang pasok. Ayos.

Joke lang. di siya ayos. Bakit? Kasi Wala akong baon. Ang ganda talaga ng concern ko eh noh? Ay, Gusto ko din pala pasalamatan si SexyLove dahil siya nagtext sakin na wag na pumasok kanina at suspended na daw klase sa PUP. Malas lang niya dahil naabutan siya ng suspension sa Pureza. psh.

Ayun, nung nagtext siya nakaligo na ako eh, tuloy naglaro na lang ako ng Ps2 ko. Namiss ko Playstation ko. Nilaro ko yung mga pinabili kong mga laro sa kaibigan ko sa RiverBanks. Ang Onimusha2 at Draken Gard 2. habang naglalaro, syempre katext ko si LoveBabe. Inaayos kasi namin kung kailan kami punta ng Divisoria.

Balak namin next week, pero kung maulan pa din, ipapagliban muna namin. Kailangan na kasi namin ng pera. Maliban dito, May iba pa ako concern.

Concerned ako sa lakad namin ng groupmates ko bukas. Manunuod kami ng Taekwondo Competition sa Maynila. Pero medyo nagaalinlangan ako dahil nga maulan. at baka mastranded kami sa baha or something. Mayaman isa kong groupmate eh, taxi daw kami. psh. mahirap lang ako.

At baka naman isuspend nila yung competition di ba? I mean ang hirap kaya pumunta sa maynila ng ganito. Isang malaking swimming pool ang maynila pag umuulan. Nakakabadtrip.

Sa totoo lang din, kinakabahan ako. Kinakabahan ako na paasa lang pala ako sa mga groupmates ko. Kinakabahan ako na baka bigla lang kami palayasin dun. Kinakabhan ako na baka isa akong malaking FAIL.

Wag naman sana. *Knocks on wood. Yung kaibigan ko kasi na dapat sasali din dun ay di makakapunta. Bakit? Kasi libing bukas ng schoolmate namin. Hayst. bahala na bukas!

Siguro naman di ba magiging okay ang lahat? hmmm.... Kayo na bahala Lord.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento