Hindi ako makapagfocus. Ang dami tumatakbo sa isipan ko. Mga alaala natin, pati na din ang muka mo.
Ineexplain ni Prof ang SMCR+E model. wala ako maintindihan. Walang
pumapasok sa utak ko. Tila ba binara mo ang daan papunta sa aking
isipan. bakit? kasi gusto mo ikaw lang laman nito. Pero syempre, joke ko
lang yun. Ako lang naman may gusto eh.
Katabi kita. Naguusap tayo. Nagtatawanan tayo. Ngingitian mo ko.
Ngingiti din ako. Sa mga sandaling iyon, pakiramdam ko walang masamang
nangyare. Walang “break up” walang kahit ano. Na hindi nagbago
pakikitungo natin sa isa’t isa. Pero syempre, joke lang yun.
Tapos na mga araw na sabay tayo pumasok. Tapos na mga araw na
magdamag tayo magkausap. Tapos na din ang mga araw na ako ang iyong
mahal. At sa paglisan mo, tangay mo pati kaligayahan ko. Tuwing naiisip
ko ang mga ito, napapangiti ako. Dahil kapag hindi, baka maluha ako.
Wish ko lang, joke to.
Ano ba meron sayo at nabihag mo ang kawawa kong damdamin? Hindi ka
malimot. pag gising sa umaga, Ikaw pa din una ko naiisip. Una ko lagi
naaalala yung araw na hinalikan mo ako, at binulong sa tenga ko, “happy
birthday.” Ang dami pa, pero baka abutin tayo ng siyam siyam pag sinabi
ko lahat.
Alam mo ba? jinojoke ko sarili ko. Lagi ko sinasabi na okay na tayo.
na okay na ako. na hindi na kita kailangan. Pero tulad nga ng sabi ko,
joke yun. Miss na miss na miss na miss pa rin kita, kahit six months na
ang nakalipas. Hanggang kailan mo ba balak ibihag ang puso ko?
Mahal pa din kita. Pero wala na. Kaya ngingiti na lang ako everytime
na ngingitian mo ako. tatawa ako sa bawat joke mo. At susubukan ko
kalimutan ka. Kahit na alam ko, na isang malaking joke yun.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento