Sabado, Hulyo 21, 2012

"Sana Walang Prof"





Hindi ako magmamalinis. Isa ako sa mga estudyanteng lagi dinadasal na sana walang propesor. pero magkaiba naman kami ng sitwasyon. Sabi niya na mataas tuition nila. Well, di na ako gulat. Lahat naman ng kolehiyo mataas tuition eh. Samin lang ang mababa.

Ang dyahe nga naman sa parents mo. Ang taas ng binabayaran tapos ikaw, tamad na tamad mag aral. Hindi biro ang kolehiyo. hindi ito High School na kahit magpaka petiks ka eh papasa ka. No. Real life na ang College, VR training kuno.

Lalo na para sakin na isa nang third year college student, dapat na ako magseryoso. ilang sem na lang at lalabas na ako sa tunay na realidad. Walang prof na gagabay sa mga ginagawa ko. Boss lang na handa akong patalsikin the minute na magkamali ako. tsss..

Kaya tara na. Medyo magseryoso na tayo. It took a College Freshman to make me realize how stupid I am.

Cheers!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento