"...pero mahal kita, wala nang hahanapin pang iba. Handa ko magtiis, kahit na away away away na to...." Eto yung kinakanta ni Angge sa Tom's World Kanina. Parang kanina lang ule ako lumabas kasama mga kaibigan ko.
Si Ariane kasama din kanina, pero pagdating ng pogi niyang kaibigan ay umalis din. Ako at si Harold nakaupo sa sahig ng Karaoke room, siya nagseselpon. fb sa nakita ko. Si Jenina asa labas naghahanap ng kanta. si Angge, tuloy sa pagbirit. Eh ako? hawak ang cellphone, inaantay magtext si SexyLove.
Nagtext na siya kanina, sabi niya on the way na daw siya. Edi sige. antay naman ako. Pagkatapos ng kinakanta ni Angge, sakto pagtayo ko, asa labas siya. napangiti ako at lumabas. Bago ako makabati, niyakap niya ako ng mahigpit, so gumanti ako. Pero after a while, aba! hindi pa bumibitaw! Syempre, ramdam ko kagad na may something wrong. Edi niyakap ko siya, sabay bulong, "ano meron?" naramdaman ko pag iling niya.
Nang humiwalay na siya, nakita kong umiiyak na siya. Niyakap ko tuloy ule. "Oh, bakit ka umiiyak? May nangyare ba? Ayos ka lang ba?" bulong ko ule saknya. uli, umiiling siya. Napatingin ako sa Karaoke booth. Nakita ko mga kasama ko nakasilip sila, at tila nahihiya lumabas dahil sa sitwasyon namin.
Nang muli siya bumitaw, tinignan ko siya. Ngumiti siya at sinabing wala daw. Naiiyak lang daw siya. Nang sinabi niya yun, pinuntahan ko na mga kaibigan ko at sinabing okay na at pwede na silang lumabas.
nagpaalam kami sakanila, at naupo kami sa foodcourt. Ayaw magkwento ni SexyLove. Edi hinayaan ko na lang. Nag Cali na lang kami at chichirya habang inaantay namin si LoveBabe magtext. naintindihan ko na pagiyak ni SL. Stressed siya. ang demanding ng course niya. Andami gusto mangyare ng mga prof nila. At the breaking point na siya. Wala ako magawa para saknya.
Edi hinayaan ko na lang siya maglabas ng sama ng loob habang umiinom siya ng Cali. tsktsk. hirap niya pangitiin. Kung anuanong joke na sinasabi ko, wala pa din. Then, nung mag give na ako dapat, nilabas ko PSP ko. Aba! Angry Birds lang pala katapat.
Wala lang. Natuwa lang ako at nakita ko na siyang ngumingiti at tumatawa. Adik nga pala siya sa Angry Birds. How could I forget? Ayun. Masaya na siya nung na meet up na namin si LoveBabe. buti naman.
Masaya ako at napangiti ko siya kahit papaano. Masaya ako dahil naibsan ko ang stress niya. Oh di ba, hindi ako completely useless. Sa totoo lang, sapat na sakin yung may isang tao na ako ang hinahanap kapag kailangan nila ng kausap eh. It makes me feel like someone actually wants to talk to me. Kaya mahal ko si LoveBabe at SexyLove eh...
Wag na sana matapos ang ganitong relasyon namin. Dahil sa totoo lang, Medyo mababadtrip talaga ako pag pati ito kinuha sakin. May inagaw na nga sila sakin last year eh. Eto na lang meron ako. Wag niyo na sila kunin. please.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento