Nadayo ako sa Stats ng aking Blog at nakita ko na meron na pala akong readers. Hindi ko kayo kilala, pero nais ko lamang magpasalamat dahil nagbibigay kayo ng oras para tignan at husgahan ang aking blog. Meron siguro sainyo na kokornihan. sapagkat korni naman talaga ang aking mga lathala.
Hindi mo alam kung gano kahalaga para sa akin ang readers. Sila, o kayo, ang aking inspirasyon para magsulat pa. Para saan pa ang sinusulat mo kung ayaw mo din ipabasa? Gusto ko lang talaga na may nakakakabasa ng mga saloobin at opinyon ko sa buhay pang araw araw.
Hindi ako kilalang tao. Gusto ko isipin na mahalaga ako sa pamilya ko. lalo na sa mga kaibigan ko. bagamat hindi pa sigurado yung huli, Isipin ko na lang talaga yun.
Gusto ko din isipin na sila, mga kaibigan ko, ang nagbabasa sa blog ko. Kung hindi ko man sila kaibigan, well, enjoyin mo na lang ang mga lathala ng taong kinasusuklaman mo.
Wala na ako masabi tungkol sa topic na ito. Pasensya na. Hindi ako ganon ka galing mag tagalog. Hindi. Hindi ako fil-am. wala akong excuse. Sadyang mas nadidilian ako sa wikang ingles. Pero dahil magaling ako, Pipilitin ko magtagalog hanggang sa kaya ko. Para saan pa kamo? para sayo, mambabasa. Nagtiyaga ka basahin ang saloobin ko. magtytyaga din ako magsulat sa tagalog. para masaya. o di ba?
Ayun, hanggang sa muli kong post. adios mga kaibigan! At sana ituloy niyo ang pag tangkilik sa walang kwenta kong blog. :D
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento