Lunes, Abril 30, 2012

The Park of Broken Dreams

basura sa tabi, naglalampungan sa gilid, masangsang na amoy, sumisingaw mula sa tubig. Mga Puno na matatangkad, mga estudyanteng nagtatawanan. Nasan ka?

Nakatingin sa malayo, pinapanood mga barko na dumadaan. Pinapanood mga alon na ginagawa nila sa tubig. Mga bakas na naiwan. Mga bakas na palatandaan na sila ay nang galing dun. Pero buti pa yun, nawawala din kagad. Sana ganon din ang mga sugat. nakaupo ako, luha dahan dahang tumutulo. ayaw tumingin sa daan, at baka makita pa ng mga tao ang luha ko. Di bale na ang Janitor fish makakita, wag lang tao...

Bakit ako andito? Masakit eh. Nagbakasakali na mawala ang kirot kapag napagisa ako. Pero mali ako. Nag climax ang sakit, at di kinayanan, tumulo ang luha, naisip ka.

Ayoko balikan, ayoko isipin ang mga sinabi mo. Masyado masakit. Baka maluha lang ako dito. Baka may makakita. Mahirap na. Ilalabas ko lahat dito. Kakausapin ko mga janitor fish. Kunware may pake sila. Kunware nakikinig sila.

Kaibigan? Oo, meron ako nun, pero ano ba alam nila? Wala sila alam. Hindi nila maiintindihan ang nararamdaman ko. Ayoko magsalita. Ayoko mahusga. Dahil dyan, andito ako, nagmumuni magisa, at binibilang ang basura sa tubig. Nararamdaman at naamoy ang masangsang na hangin, na kapag tumama sa mukha ko, ay tila pinapagaan ang pakiramdam ko.

Ipipikit ko ang aking mga mata, walang ibang makita, kundi ang galit mong mukha. pagpikit ng mata, mararamdaman ko uli ang galit mong nakakapaso. Ang mga mata mo na dati puno ng pagmamahal, na ngayon, puno na nang pagkasuklam sakin.

Pagbukas ko ng mata ko, umaasa at nananalangin ako na sana panaginip ang lahat. Na magigising na lang ako sa klase, at makikita kitang nakangiti sakin.

Pero Hindi. pagbukas ng mata ko, makikita ko na asa Park of Broken Dreams ako. Titingin ako sa paligid, wala ang mga nagsasayang estudyante. Pero meron din tulad ko. Mag isa at nakatingin din sa tubig. tila kinkwentuhan din ang mga Janitor Fish.

Tila parehas kami. May pinagdadaanan na walang ibang makakaintindi. Wala kami masabihan. Idadaan na lang sa pagka emo sa Linear Park ng aming Unibersidad. Gusto ko dito. onti lang ang tao, kadalasan pang tahimik. Makakapagisip ka ng maayos at malaya. This is my comfort zone. This is my happy place.

Pag tingin ko sa langit, gabi na pala. oras na umuwi. tumayo ako. tumingin uli sa tubig. Kita ko ang ilaw mula sa Pandacan Oil Depot. sa di kalayuan, matatanaw mo din ang anino ng isang barko. Pauwi na ito.

Kinuha ko na ang gamit ko, nagpasalamat sa dilim. dahil tuloy pa din ang pagtulo ng luha ko. Nagpasalamat din ako sa mga janitor fish sa pag kinig sa mga hinaing ko.

And with that, I left the Park of Broken Dreams. Knowing that I'll return again... Soon. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento