Huwebes, Abril 26, 2012

Ang Gabi

Ewan ko kung pansin, pero bihira na ako magupdate ng blogger ko. Hindi naman sa tinatamad... joke lang. tinatamad lang ako magtype. pano kasi, ang ilalagay ko rito ay tulad lang din ng ilalagay ko sa tumblr ko. Anyway, puro ako excuses. Hindi na lang ako magsulat..

Ayun, tuwing gabi, bago ako matulog, madami tumatakbo sa isipan ko. Bukod sa pag isip kay special someone (naks!) at sa pagtanong sa sarili kung bakit ako nagiisa, nakakaisip din ako ng  magagandang topic para isulat. Ngunit dahil nakahiga na ako at walang gana bumangon mula sa kinaroroonan ko, eh hindi ko ito naisusulat sa aking "magic notebook". Kaya tuloy, pag gising sa umaga, lahat ng naisip ko, ay wala na. badtrip.

Gusto ko tuloy batikusin (tama ba?) ang gabi. Ano nga ba meron dito? bakit tayo napapaisip ng malalim? Bakit satin napapaalala ang mga bad memories na ayaw naman natin maisip? pati na mga tao na ayaw na natin maisip, pinapaisip satin. Kung iisipin mo, ang konsensya mo ay pinaka active din pag gabi.

Hindi ka papatulugin ng mga bagay na pilit tumatakbo sa isipan mo. Ewan ko kayo, pero ako, pag nangyayare sakin to, eh dumadating ako sa punto na nadedepress ako, may instance pa nga na napaluha ako sa kakaisip lamang kay Special Someone na nangiwan. (awww)

Siguro, ang lamig ng gabi, at ang kadiliman nito, ito ang nagttrigger sa mga memories natin para bumalik with a vengeance sa mga isipan natin. Sa umaga kasi, masyado tayo busy. Doing things we need to do. pero pag gabi, wala. Time to relax, and to remember all the bad things in your life. Ipapaalala ang ka lechehan mo. katarantaduhan mo. lahat ng pagkakamali mo. hanggang sa maguilty ka ng sobra na gugustuhin mo mag shot.

Tuwing gabi, eto problema ko. hindi na ako magugulat mamyang gabi kung gambalain nanaman ako ng mga palaisipang walang kwenta. Ayoko na magisip. I guess I'll just go with the flow.....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento