Sabado, Abril 14, 2012

Ala Una

Ala una na ng madaling araw. Hindi makatulog. Hindi mapahinga. Kaluluwa'y may hinahanap. Hindi makita. ayaw magpakita. Ano pa bang pwedeng gawin? Pag tingin sa langit, mga bituin ay mistulang mga kaibigan na sinasabing magiging ayos din ang lahat. Ang buwan, nakatingin sakin. Buwan na siyang malungkot sa langit. kahit kasama pa niya ang mga bituin na kumikinang.... Ako at ang buwan. Dalawang bagay na nalulungkot at nangungulila sa isang lugar na puno ng mga kumikinang na bagay. 

Akala ko, kapag nagbakasyon magiging okay na ako. Na makakalimutan ko mga nangyare at mahihilom ang mga sugat na naiwan.  Ang problema kasi, hindi ka na nga mwala sa isip ko, pati mga sugat kumikirot pa rin.

Hindi ko na nga kaya tignan profile mo eh. Pag nakikita kasi kita sa Social network, tila lagi gusto kita kausapin. Pero alam ko, maaasar ka lang.

Habang ako, tahimik na hinahanap ang mga piraso ng puso ko, ikaw ang saya mo na. Hindi na kita kilala. Oo. Alam ko na normal na magbago ang tao. Pero bakit naman ganon ka kabilis. Hindi na kita mahabol. at tila ayaw mo pa sakin magpahabol. Ayos lang sakin. Ayos lang talaga.

Alam mo gagawin ko? ngingiti ako. Wala naman mangyayare kung sisimangot ako at pilit kang tatawagin eh. Alam ko naman na hindi ka lilingon. Magpakasaya ka sa mundo mo. Ganon na lang din gagawin ko. tutal, wala na eh.

Tare pre, ngiti tayo. :D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento