Ang pinaka unang form ng paasa na nakilala natin ay ang tinatawag natin na panaginip. Bakit kamo?
Ang hirap managinip. Ang saya saya mo na tapos bigla kang magigising. kasama sa pag gising mo ang pag balik nang kalungkutan na nakasanayan mo na. Paasa ang panaginip. Pinapaasa ka niya na okay na ang lahat. Na wala nang mananakit sayo. Pero yun pala, isang malaking kalokohan lang ito.
Pero para maging patas, Pinapakita din ng panaginip ang mga bagay na pinaka ikanatatakot mo. Tila ba hindi pa sapat ang pagdudusa mo sa pag gising.
Napaka negatib ba ng mga pananaw ko sa panaginip? pasensya na. Medyo naasar ako sa panaginip ko kagabi.
Nanaginip ako na okay na okay daw tayo. Na nayayakap na daw kita uli. Na mahal mo na daw ako uli. Ang saya saya ko, at ang gaan gaan ng pakiramdam ko… Tapos habang yakap kita, bigla nag fade out, at nagising ako sa kwarto ko. Kala ko totoo na. Joke lang pala.
Naasar ako. Nabadtrip ako. Pero ano magagawa ko? Wala. As always, wala ako magagawa sa kalagayan ko. badtrip. ayos. Natulog na lang ako uli. At sa pag gising ko. naalala ko uli na ayaw mo na sakin. Uli, tinanggap ko ito.
Ang drama ko. Panaginip lang ito, pero nagawa ko pang gawan ng kwentong wala namang kahulugan sa buhay ng iba. Ayos di ba?
Lahat ng ito, naisip ko habang nakahiga ako kanina umaga pag gising ko. Hindi mo kailangan basahin ang lahat ng ito, pero kung nakaabot ka na sa parteng ito, Salamat sa pag basa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento