Ano nga ba ang pagsulat? ito ba ay ang simpleng pag dampot ng bolpen o lapis at pag guhit ng mga salita sa kung saan? maaari. pero isa din itong klase ng sining.
Sa pamamagitan ng pagsulat, maaari mong sabihin ang lahat ng saloobin mo. Mga bagay na hindi kaya bigkasin ng iyong bibig, kaya sabihin ng bolpen mo sa papel. At sa pamamagitan nito, ikaw ay magkakaron ng boses.
Ayos di ba? Biruin mo, sa pamamagitan ng pagsulat, binadtrip ni Rizal ang mga Kastila. sadyang nakakabilib si Rizal no? Sa totoo lang, pangarap ko maging manunulat tulad niya. nais ko Iparating ang lahat ng nasa isip ko, pero tingin ko lalayuan ako ng mga tao kung sakali makita nila laman ng kokote ko.
Kahit naman ba, nais ko pa rin sumikat sa larangan ng pagsusulat. Hindi ako ganon kagaling, pero marunong ako. gagawan ko to ng paraan. oyea.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento