Lunes, Hunyo 25, 2012

Talunan.

Eto nanaman ako. gagawa ng Emong post na pwede mong kaawaan, o kaasaran. Depende sa trip mo. Pasensya na. nalulungkot nanaman ako eh. Sa mga nangyare kaninang umaga, pati na din sa kadiliman na sumulpot bigla sa puso ko. Ewan ko ba.

Sa totoo lang? Gusto ko magyosi. Kahapon pa actually. Pero Wala ako nun ngayon... Hanggang Video games lang ako. Tama ba to? tinatakbuhan ko ang mga problema ko sa pamamagitan ng pagtago sa mundo ng mga karakter na hindi totoo? Ang pagtago sa mundo nila hanggang sa maubos baterya ng PSP ko?

On second thought, Wala na ako paki kung tama o mali ito. Basta napapaligaya ako kahit saglit lang. Okay na. Okay na yun para sa isang olats tulad ko.

Talunan ako pre. talunan ako sa buhay pagibig, at sa buhay kaibigan. Pasensya na. Ayoko magkwento. Pilit akong ginagago ng tadhana, habang ako, pilit na nagpapakatino. Ano ba problema ko ha? Naiinis na ako. Parang wala kasing balak mag-heal ng puso ko eh. Parang gusto na lang niya na ganyan siya. na wasak siya. Na naliligo siya sa sarili niyang kalungkutan. Olats talaga ako....

Sa totoo lang ha, may mga araw na gusto ko na lang tapusin ang lahat. Pag asa fourth floor ako ng main acad building, minsan, naiisip ko na tumalon. Pero hindi ko ginagawa. May maliit na parte kasi ng puso ko na umaasa na sana, maging ayos din ang lahat. Ang lagi naman tanong ng isip ko, kailan?

Ang tagal ko na nagaantay pre. nakakasawa lang. bwiset. Hanggang sa dumating ang araw na okay na ule ang buhay ko, magtatago muna ako sa mundo ng video games. Dun kasi, mas ramdam ko ang pagkabuhay. Basta. Hindi mo din ako maiintindihan.

Pasensya na ang lungkot ko. Olats eh. Cheers readers!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento