Martes, Hunyo 26, 2012

Ang Yosi

Pauwi kami, sakay ng Jeep na papuntang Cubao-Marikina galing Stop N' Shop. Trapik. Hindi na ako nanibago. kakatapos lang kasi umulan eh. Normal na yun.

Habang nakatirik ang jeep sa may malapit sa UERM, yung tulay dun. Ermitanyo Bridge ata yun, may mga nakita akong tao dumaan, mga nakayosi.

Napaisip tuloy ako, ano dahilan nila para magyosi? Anong comfort ang nakukuha nila sa paghigop ng ala-menthol na lasa ng tobako na nakabalot sa papel na ito? Ang tagal ko nagisip. ang tagal nakatigil ng jeep eh.

Naisip ko, tulad ng isa kong kaibigan, nagyoyosi siya dahil sa stress. Balita ko din, nakakaalis nga daw ito ng stress. Yung iba naman, as far as I know, trip lang nila, o impluwensya na lang ng paligid nila. Either way, ayan na eh.

So ngayon, tama nga ba husgahan ang tao base sakanyang vices? Kasi, ang dami ko kakilala lagi nila sinasabi na ang pangit ng mga naninigarilyo. Well, yeah, pangit nga naman talaga. Pero still, may kanya kanya tayong dahilan kung bakit natin ginagawa ang isang bagay. Kahit na sabihin pang mali ito.

Pangongopya pa nga lang eh. Alam nating mali, alam nating makakasama ito sa ating pagkatao, pero ginagawa pa din natin. Bakit? kasi kailangan natin pumasa. Aminin mo man o hindi, minsan ka nang nangopya.

Nakakaadik ang pangongopya. Aaminin ko. adik ako diyan, lalo na nung High School. Para lang yan yosi. nakakaadik. at regular mong ginagawa. Kaya sana, wag natin husgahan ang mga taong nagyoyosi. May dahilan sila. Problemado iba sakanila. Kaya pre, chillax ka lang muna. Hindi mo naman buhay ang matatapos nang agaran eh. Kanila. Hayaan mo sila.

Gumagalaw na ang jeep. titigil ko na ito. Hanggang sa muli. cheers!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento