dalawang araw pa lang. Alam ko dapat hindi ako masyado mag expect.
Pero wala pa ako nasisilayang prof sa Kolehiyo namin. Sa mga classroom
ng mga kawawang freshies, ang mga aktibista ay “inoorient” na sila.
Pinagdaanan ko din yun. hehe.
oy! hindi ko sinisiraan ang mga aktibista. May sense naman ang
pinaglalaban nila eh. Kung hindi dahil sakanila, edi sana ang laki na ng
matrikula ng Sintang paaralan namin! Malaki respeto ko sa mga yan. Sila
ang boses ng mga estudyanteng takot magsalita! :D
Sobrang petiks ngayon. Kung nung unang dalawang taon, kapag sinabing
7:30 ang klase, 7am pa lang, almost full na ang room. at pag dumating
kang late, well, magnanakaw ka pa ng upuan sa kabilang room para lang
makaupo. Tulad ng sabi ko, DATI to.
Kanina, 7:30 ule ang klase. 7:30 na halos wala pang estudyante sa
room. Tila alam na nilang walang propesor na darating. Hindi sila
nagkamali. 7-4:30 ang klase dapat kanina. 3 pa lang nagsi uwian na kami.
Pano ba naman, ,maghapon nakatunganga. Epic. hahaha.
Ang pinapasok ko na lang naman talaga baon eh. yun na lang. tska na ako magseseryoso. Pag kailangan na. :p
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento