I know… I know… I promised myself that I’d try new things. and so, I did.Hindi ako yung tipo na mahilig magbasa ng love story. Bakit kamo? dahil hindi ako naniniwala dito. Para sa isang tulad ko, hirap paniwalaan na kaya mo maging masaya. Dahil pag naiisip ko mga panahon kung kelan na masaya talaga ako, nalulungkot ako. labo noh?
Anyway, Ayoko talaga ng romance. Eto ang pinaka ayokong genre sa lahat! Hinding hindi mo ko mapapabasa ng ganito. Lalo na siguro nung sixteen ako. Pero… Hindi na ako sixteen. nineteen na ako. Going twenty. (that’s still young!) At dahil sa nakaraan ko, nagpasya ako na mag try ng mga bagay na dati eh, hinding hindi ko gagawin. Eto na nga yun… ang pagbabasa ng love story.
nag simula to nung isang araw. Si pinsan, magkaiba kami niyan. Ako, toys, video games at other guy stuff ang trip. Siya, well, siya yung typical na girl. mahilig sa damit, sa cute stuff at kung anu ano pang bagay na girly. Kung iisipin mo, hindi kami magkakasundo niyan, pero magbest friends kami niyan ni pinsan! :D
Tapos ayun, habang nakatambay kami somewhere, binanggit niya tong kwento na nabasa daw niya sa wattpad. Sa di nakakaalam, Ang wattpad ay isang site na kung saan pwede ka magbasa ng storya sa kung ano mang genre ang trip mo. Kung trip mo siyang puntahan, eto ang link.
Don’t get me wrong. mahilig ako magbasa. Yun nga lang, hindi ako mahilig magbasa pag sa computer. yung tipo bang, e-book. yung ganon. Sakit sa ulo eh. Ayun, knwento ni pinsan yung storya niyang nabasa, ang title “11 ways to Forget Your Boyfriend” sus! title pa lang, halatang love story siya!
Kinwento ni pinsan na ang ganda daw ng kwento and everything. at yung mga tips daw, nakakatulong talaga. (side story: si pinsan kasi, nagkaron ng isang napaka messy na break up a few months ago. Buti nga ngayon okay na siya eh. Loveless siya, pero buhay na buhay pa din.)
habang nagkkwento siya, napaisip ako, ‘makakatulong kaya sakin yun?’ No, I’ve been single for a few years now, at over na ako dun. sa mga taga subaybay ng mga blog ko, alam nila pinagdaanan ko. lalo na nung end of last year, at beginning of this year. ah! basta. mag back read ka na lang kung gusto mo pa makahagilap ng chismis. hehe.
So ayun, that night binasa ko siya. I have to say na, it was a bad ang good idea at the same time. It was a bad idea, kasi nailabas nung kwento yung pagkabitter ko sa mga nangyare recently. at good idea siya kasi nakakuha ako ng mga tips para kahit papaano, maibsan ang sakit.
3am na ako natapos magbasa. 3 hours din yun! So ayun, ayun ang first time ko magbasa ng love story. kung ikaw ay kakabreak lang, o ikaw yung tipong mahilig sa love story, eto link sa kwento: 11 ways to forget your ex-boyfriend
So yeah, in short, nakagawa ako ng something new. and yes. proud na ako sa sarili ko. Wala akong pakielam kung sa tingin mo mababaw to. Ang importante eh, pinapalawak ko pa lalo ang mundo ko. sorta?
Gagawa pa ako ng mga iba’t ibang bagay na di ko pa nagagawa. tipong bucket list lang! pero wag ka magalala. Hindi pa ako mamamatay. pano na lang mga readers ko di ba? haha! :D
So anyway, happy reading bloggers! :)
(well, hindi kasi ako masyado nagkkwento dito sa blogger eh. kung trip niyo talag makitsismis sa buhay ng isang loser. eto link sa isa kong blog. diskarte ka na lang sa mga post. )
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento