Sabado, Hunyo 23, 2012

Stress ba kamo?

Blogger din iba sa mga kaibigan ko. At nakalagay nga sakanila, na hassle nga ang 1st week. Kung ganito na first week pa lang, paano pa kaya ang mga susunod na araw? Hindi pa to Hell Week. Hindi pa nagpapakita lahat ng propesor. Paano pa kaya pag nagpakita na sila? Ano? Pakamatay na lang? imba!

Sa totoo lang, hindi ko pinoproblema ang eskwela eh. Madali lang yan. Lalo na kung tulong tulong. hehehe. Pero syempre, dapat may sarili ka ding sikap. Dyahe naman kung puro kopya ka. Stressful talaga. Pero wag mo na isipin yun. Clear na nga thoughts mo, masaya ka pa. oh di ba? Win-win situation! :D

Pero syempre, hindi din naman pwede na lagi ka petiks. babagsak ka kung ganon ang lifestyle mo. well... Ako kasi lagi petiks eh. Pero kung kailangan gumawa, gagawa ako. Tulad ngayon. dapat ako gumawa ng homework. Bakit? kasi bukas, (linggo) lang ang natatanging araw na pirme ako sa bahay. Walang pasok, walang work. Rest day. Gusto ko naman sayangin yung araw na yun na nagrerelaks ako. Ayoko naman na pati off ko ay school pa din ang drama ko. Hindi ako GC, men!

Sa totoo lang, gumagawa ako ng homework ngayon. Sumegwey lang dito para mag blog. hehehe. hmm? kamusta ang 1st week kamo? nah.. di ko na ikkwento. Mamatay ka pa sa boredom, at matawag pa akong Murderer eh. hahaha! joke lang.

Pero di ko pa din ikkwento. Eto lang sasabihin ko: Nakakapagod siya. :D

Sige na nga, masyado na to mahaba sa paningin ko eh. hahayaan na kita bumalik sa buhay mo, reader. salamat sa pagaksaya ng oras mo sa post ko. Mabuhay ka! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento