Biyernes, Oktubre 19, 2012

Pagsisisi

"Hindi ka pa ba matutulog?"

"Maya maya na. Tapusin ko lang to."

"Sige. wag ka na mag pa gabi."

Ito ang sabi sakin ng misis ko, habanag ako ay abala sa pagtatype ng report ko.

Napatigil sandali at napatingin sa bintana. Ang dilim ng langit, walang mga bituin. Uulan kaya? Hindi sinasadya, bigla nanaman kita naalala. Ikaw na minsan naging malaking parte ng buhay ko. Ikaw na minsan minahal ako. At bigla ko naalala, October 4 pala ngayon. Itong gabi na ito, itong langit ngayon, ganito. Ganitong ganito noong tayo ay maghiwalay....

Ang hirap man aminin, ang hirap man tanggapin, pero ako ang may kasalanan. Ako ang dahilan kung bakit di ako masaya. Oo, may asawa ako, oo, may pamilya ako. Pero tila may kulang. Pag tumitingin ako sa babaeng pinakasalan ko, lagi ko nakikita ang muka mo. Pag kami ay nagsasama, ikaw pa din ang nasa isip ko. Ano ba meron ka, at di kita malimot?  Kung bakit kita pinakawalan, hindi ko maiintindihan.

Hindi ko to nasabi noon, pero ngayon, sasabihin ko na. Kahit mga bituin lang ang makarinig. Kahit ang buwan lang ang makakita sa luha sa aking mata. Mahal kita. Wala nang iba. Huli na ang lahat ng ito ay mapagtanto ko. Ang tanga ko talaga.. Umuulit nanaman ang gabi ng hiwalayan natin...

"pwede ba tayo magusap?"

"ano yun?"

"ayoko na"

"huh?"

"ayoko na. break na tayo."

"bakit??"

"eh kasi...."

"ganon na lang? Para saan pa yung tatlong taon?"

"....."

"Okay, fine."

Pagkasabi mo nun, umalis ka. napatingin na lang ako sa langit, madilim at walang bituin. Ganun din ang naramdaman ko sa mga sandaling iyon, tila may namatay sa loob ko. Tama nga ba ginawa ko? Tama naman siguro na pakawalan ko na siya kung wala na ako nararamdaman di ba? Tama to.

Lumipas ang ilang linggo, masaya naman ako. Hindi tayo nagkita mula nung gabing yun. ni tawag o text wala. nakakalimutan na kita. Nakalimutan mo na din ba ako?

Apat na buwan na nakalipas mula nang hiwalayan. May bago na ako. Pero bakit ganon? Parang may mali? Parang hinahanap ka ng puso ko. Bakit ganon? akala ko wala na...

Bakasyon. Ano tong nararamdaman ko? tila gusto kita balikan. Pero syempre, ayaw mo na. Balita ko ayaw mo na sakin... Nalungkot ako.

Masaya ba ako? Parang hindi ako naging masaya mula nung naghiwalay tayo. Yung mga gabi na hinahatid kita pauwi, mga panahon na tayo magkadate, mga araw na sinasama pa kita sa bahay namin... Pinangako ko sayo ikaw lang ipapakilala ko sa pamilya ko. Pero pano ba to? Kailangan ko magpa legal sa bahay. Galit ka ba dahil sa hindi ko pagtupad? Pasensya na....

Isang taon mula nang tayo ay maghiwalay. Puno ako ng pagsisisi. Bakit kita pinakawalan? Mukang habang buhay na ito. Nang ako ay nagpakasal, akala ko malilimot na kita. (Kamusta ka na kaya?) Nang magka anak ako, akala ko ayos na ang lahat. (Sana ikaw asawa ko.)  Hanggang sa kasalukuyan, ikaw pa din laman ng puso ko. Narealize ko yun, kung kailan huli na ang lahat. Badtrip.

Kaya ito ako. Isang lalaki na may pamilya at desenteng trabaho, ngunit hindi masaya. Kung may ipapamana man ako sa mga anak ko, ito ay wag nila pakawalan ang taong sa tingin nila ay bumubuo ng kanilang pagkatao. Ayoko magaya sila sa kanilang ama na hindi masaya sa buhay.

Ito ang sikreto namin ng mga ulap at buwan sa langit. Ang tanging pinaguusapan namin tuwing ako ay mapagisa. Mga damdamin na walang nakakaalam...

Tingil ko na ang pagtatype, sinara ang laptop, at bintana at humiga sa tabi ng babaeng pinakasalan ko. Ikaw sana katabi ko ngayon kung hindi ako tanga.

Bago ako pumikit, pinagdasal kita. Sana, kung asan ka man, ay mas masaya ka. Maisip ko lang na masaya ka kuntento na ako... At ako ay nakatulog.

Bigla ako nagising, at nakita kita sa tabi ko. Panaginip lang pala ang lahat. Hinalikan kita, at gumising ka, ngumiti ka sa akin. Salamat talaga panaginip lang iyon. Ika'y mahal ko at pangako, hinding hindi kita iiwan.

THE END


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento