Martes, Oktubre 2, 2012

GUSTO KO MAGALIT!

Una sa lahat, dahil ang dami nangyayare. Wala akong pakielam sa nangyayare sa paligid ko kadalasan. Pero etong nangyayare ngayon tungkol sa Cyber crime whatever, apektado ako direkta eh. Dahil ako ay blogger at isang "future journalist". Binasa ko ang cybercrime law. may kopya ako dito sa PC, ayos naman siya. Kaso parang napaka OA lang ni Sotto. Dami niya alam. Tangina This!

Pangalawa, Nag aksaya lang ako ng pamasahe papasok ngayong araw. Paki paalala nga sakin na wag na mag almusal. Muntik ako himatayin sa estasyon ng Cubao dahil sa sakit ng tyan. wooh! uli, Tangina This!

Pangatlo, ANG DAMI ALAM NG PROPESOR KO SA WORLD LIT! wooh! bakit kailangan irecite ang tula na mi ultimo adios? at bakit kailangan naka costume? Tapos tatambakan kami ng mga lecheng quiz next week! Ang maganda lang dun, eh sulit ang pagpasok next week dahil maghapon na kami at hindi na lang 1-4pm.

At pang apat, PUTEK! ANG SAKIT NG NGIPIN KO!!! Ang hirap magisip, ang hirap kumilos, at higit sa lahat, HINDI AKO MAKAKAIN NG AYOS!!! Anong torture ba ito? hardcore lang ah.

Anyway, madami ako dahilan para magalit, pero hindi na muna ako magagalit dahil pag nagalit ako, mas mahirap magisip. Pero tangina, ngipin! makisama ka naman!

Ayoko inuman ng gamot, dahil pag nasanay katawan ko, baka di na tumalab. Goodluck. goodluck sa mga pinoy netizens, at kung sinusino pa.

Dahil pucha, epektib na pala ang cybercrime law mamyang 12am. May magagawa pa ba mga netizens?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento