"huh?"
"ayoko na. break na tayo."
"bakit??"
"Kasi, hindi na kita mahal."
Ha? tama ba dinig ko?
"kasi..."
iba pala sinabi niya... puro dahilan naririnig ko. Bakit di mo na lang diretsahin na hindi mo na ako mahal? May iba ka na siguro. Muka naman eh..
"ganun lang? para saan pa ang tatlong taon?"
"......"
Stop it. Your breaking my heart.....
"okay, fine."
Tumakbo ako. Walang mapaglagyan ang lungkot ko. Ayoko makita mo ang ginawa mo sakin. Ang alam ko lang, ayoko na kita makita muli. Paano mo to nagawa? tumatakbo pa din ako, di ko na alam kung asan ako. nang tumigil na ako, halos wala na akong hininga sa pag iyak at pagtakbo ng sabay. Parang ngayon ko lang naranasan yung ganitong sakit. Ang nagpapasakit pa lalo, ay ang katotohanan na ang may gawa ay ang taong siya pa nagsabi na hindi niya to magagwa sa akin. Tadhana nga naman... Bigla ko narinig pangalan ko...
"Uy! okay ka lang?" dumilat ako, at nakitang asa classroom ako. Medyo iritable sa magandang gising ni classmate.
napaisip sa panaginip. Isang taon na pala nakakalipas mula nung gabing yun. Isang taon na din ako parang naliligaw ng landas. Sa mundong kinikilusan ko, mahirap magtiwala. Minsan ang mga kaibigan, ay hanggang sa muka mo lang. Pag talikod ay wala na. Wala ako mapagkwentuhan. Pakiramdam ko nagiisa ako dito. Nagsalpak ng earphones at nagsoundtrip. Pinanood mga kaklaseng lalake magharutan. Ang mga lalaki kaya wala talaga pakielam? Tipong sige sige lang? Hindi naman siguro....
Tumambay ka nanaman sa isipan ko. Pwede bang wag? Dapat nga di na kita iniisip eh. Yung emosyon, alaala at iba pa, dapat nilalagay na sa hukay eh. Pero hindi, tuloy pa din. Tuloy pa din ako nasasaktan.
Alam nilang lahat na ikaw ay alaala na lamang sa akin. Taong minsan nagpatibok ng puso ko, at naging inspirasyon sa pagkabuhay. Alam nila nangyare satin, At alam din nila na nakalimutan na kita... pero gaano ito katotoo?
May aaminin ako. Hindi madali kalimutan ang tatlong taong pagsasama. Naiisip lang kita na masaya sa piling ng iba, tila nadudurog nanaman ang puso kong kawawa. Alam mo kung ano mas masakit? Nagawa ka niya ipaglaban, samantala ako takot. Takot sa sasabihin ng magulang, sa sasabihin ng iba. na sabi mo dati, hindi importante. Hindi importante sasabihin nila, basta tayo magkasama.
Gusto ko humingi ng pasensya. Pasensya na duwag ako. Pasensya na parang nagkulang ako. Ito ba dahilan ng paglisan mo? Sorry na. Alam ko, hindi mo to maririnig, alam ko, wala ka nang paki, pero gusto ko lang malaman ng mundo, na minahal kita. Hindi ko man ito lubos napadama, hindi ko man ito lubos nasabi, pero minahal kita. Kaya ganon na lang kalaki ang butas sa buhay ko na iniwan mo.
alam mo, sa totoo lang, Nasasaktan ako pag nakikita kita. Ang saya mo kasi eh. Yung bago mo? nagawa kang ipaglaban. Nagawa niyang isigaw sa mundo pagmamahal niya sayo. Madami siyang nagawa na wala akong tapang gawin.
Isang taon na, alam mo ba yun? mula nung niyakap mo ako at binulungan na mahal mo ako. Isang taon na din mula ng hinalikan mo ako... alaala na lang ba tayo? Miss na kita...
Alam mo mga regalo mo? alaala mo pa din dala nila. Mga sulat mo? hindi ko magawang itapon sa sunog. Muntik lang, pero hindi kinaya ng pusong pangalan mo'y tuloy na isinisigaw. Tama na please... wag ka na sa isip ko. Nagagawa ko pang saktan sarili ko....
"Andyan na si sir!" Kumaripas ng ayos ng upo ang mga kaklase. Tinago ang earphones at blankong napatingin sa board, si prof, nagsasalita.
Sa totoo lang, hindi na ako sigurado sa sarili ko. May mga araw na gusto kita yakapin, may araw na kinasusuklaman kita. Ang kawawa kong puso ay hindi makapag desisyon. Hindi ko tuloy maintindihan kung asan na nga ba ako? Asan na tayo? Aaminin ko, miss na kita. Pero hinding hindi mo ito maririnig mula sa akin. Sikreto ko to. ang aking kumpisal.
THE END
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento