Shock:
"Woooh!! tangina! di nga? Bakit dehins niya sinabi sakin yun? Nakakagulat naman! magkaibigan pa naman kami! tsk!"
Denial:
" dehins naman siguro mangyayare yun di ba? hehe. oo. hindi yun mangyayare. malabo yun!"
Anger:
"Tangina! bakit niya to nagawa sakin? woooh! nakakabadtrip! Alam ko na! dehins ko siya kakausapin dahil nakakabadtrip siya. Tapos...tapos.... di ko siya kukuha ng upuan pag late siya! mahirapan sana siya tumayo habang naglelesson!"
Depression:
"huhuhuhu.... ang lungkot isipin... bakit nangyare to? ano nangyare satin? siyet! dehins ko na to kaya.... asan ang razor? laslas pulso na lang pre... Ayoko na mabuhay.. puro gaguhan pala tayo eh... T.T"
Acceptance:
"Okay lang yun. hindi naman katapusan ng mundo eh. at lahat ng tao may karapatan maging masaya.. di ba? di ba? siya, dahil tao siya, may karapatan din siya. whoo... "
Habang nakahiga kanina, bigla ko naisip na eto ang mga pinagdaanan ko sa nakaraang buwan. Dehins na ako papasok sa detalye. Nakakatamad eh. At ayoko nga ibalik ang sakit ng nakaraan. dehins pa ganon ka galing ang sugat ng puso ko eh. hehe. *ehem*
Ayun. Narealize ko din habang nakahiga ako, na buti hindi ako nagpakamatay habang asa Depression stage. kasi kung nagpakamatay ako, ay dehins ko mararating ang bittersweet Acceptance-kuno.
bakit Acceptance-kuno? eh, ano gagawin ko? magrally sa tapat ng bahay niya hanggang maging ayos kami? dehins yun tatalab. Why should I bend over backwards for someone who doesn't want to be mine? Wala ka magagawa. may ibang gusto eh. wahehe. "tanggapin" na lang. Kahit ayaw mo. Kahit isinusuka to ng sistema mo. lunukin mo. Para din ito sa ikabubuti mo.
Punto ko lang dito ay, may mga bagay na sadyang hindi worth fighting for. Wala ka mapapala sa ipinaglalaban mo. Sugatan ka na, wala ka pa nakuha. Yung dugo, tulad ng mga luha mo na tumulo para sakanya, eh nasayang.
Maghanap ka ng hobby. Wag mo isipin. Pag nag hi sayo, tapos kahit gusto mo sapakin sa inis, eh ngumiti ka na parang wala lang, at mag hi ka din. Hindi. dehins to pagiging Plastik. Ito ay nagpapakita na kaya mo gawin yung ginagawa niya. Yung kausapin ka na para bang wala nangyare. Na walang pang gagago na naganap.
Mag gaguhan kayo. Maglokohan kayo. para saan? para sa peace. Kawawa barkada. Ilang taon na magakakasama tapos mawawatak dahil sa mabbaw na dahilan. Para sa ikabubuti ng nakararami, itabi mo na muna yang pride mo. wag mo na pairalin. Let there be Peace.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento