“mahal kita.”
“Alam ko.”
“di mo sasabihin na mahal mo ko?”
“Alam mo na naman yun eh.”
“Iba pa din pag naririnig ko.”
Hindi pa tapos ang sinasabi ko, bigla niya ako hinalikan. Ang tamis talaga ng labi niya. Tinulak ko siya pahiga. Naghalikan kami. Nakakaturn on bawat galaw ng labi niya. Wala talaga siyang katulad. Binukas ko isa kong mata, nakapikit siya. Ang ganda talaga niya.
Napangiti ako at tinuloy ang paghalik. Sana wag na matapos to. Ang sarap eh. Pag ganito kami, hindi ko talaga maimagine na ang buhay ko na wala siya. Kontento na ako sakanya.
Nang ako’y humiwalay, hinalikan ko naman leeg niya. Alam ko gusto niya yun eh. Kinagat ko siya dito ng bahagya. “ah….” Ang sexy. nakakagigil.
Ang sarap talaga ng pagmamahal mo. Hinding hindi ko ito ipagpapalit sa kahit ano pa…
Mahal kita. Sobrang mahal kita.. wala ka talagang katulad..
Nakatulog ka na nakayakap sakin. Pinagmasdan kita. labi mo, mata mo, ilong mo… yang buong muka mo… Hindi ikaw ang pinaka magandang babae sa mundo. Nagsisinungaling ako pag sinabi ko to. Pero ikaw naman ang babaeng nagpaganda sa mundo ko…
Hinawakan ko kamay mo, binulungan kita ng mga pangako ng walang hanggan. hinalikan kita sa noo…
“Mahal kita..”
hindi ko alam kung nananaginip ka o gising. basta alam ko, ang saya ko sa mga panahong ito. Akin ka… at ako’y sa iyo….
Sabay nagising ako. Andun pa din ako sa kama ko. Pero wala ka na. Asan ka na? Wala na… Mga pangako nang walang hanggan, nagkaron bigla ng hanggan. olats.
Akala ko mahal mo ko, joke lang pala…
Sawi, sinubukan ko uli matulog. At least sa panaginip, mahal mo pa din ako….

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento