Oo, ako yun. ako yung nagpadala ng sulat na yun. Oo, ako yung paulit ulit nagtatanong kung okay ka lang, kung buhay ka pa... Oo, ako yung hindi mo kakilala na nagaalala kung buhay ka pa...
Alam ko ang pakiramdam na tila nagiisa kang nakikipaglaban sa buhay. Alam ko ang pakiramdam na dumampot ng isang matulis na bagay at magtangkang magpakamatay...
Pero wait, there's more... Alam ko din ang pakiramdam na talikuran ang self hate. Alam ko din ang pakiramdam na tila binuhay ka uli... At sa totoo lang, naaawa ako saiyo...
Ikaw na tinutukso, ikaw na walang kaibigan... Nakita ko kung paano ka nila apihin. Wala silang alam sa pinagdadaanan mo. Ako? wala din ako alam... ang tanging magagwa ko lang para sayo ay ang MAKINIG. Hindi sa lahat ng oras eh may maipapayo ako sayo. Hindi din sa lahat ng oras eh andyan ako...
Ang maiiwan ko lang saiyo ay ang mga sulat ko... Para maiparamdam ko man lang, kahit papaano, na may nagaalala sa iyo... Na may natatakot na mawala ka.. kahit pakiramdam mo na ika'y tinalikuran na ng pamilya, kaibigan at ng sambayanan.
Basahin mo sana mga sulat ko, at sana, kahit sa maliit kong paraan, ay maiparamdam ko na hindi ka nagiisa, na meron pang handa tumulong sa iyo... Kahit alam kong nasa kabilang panig ka pa ng mundo. Alang alang na din ito sa kaibigan kong sumaklolo sakin. Hindi ko siya kilala, hindi niya din ako kilala. Pero sumaklolo siya...
Hindi mo to mababasa, at kung mabasa mo man, ay hindi mo maiintindihan. Maraming salamat. Hindi mo alam kung ano ang nagawa mo...
At para sa iyo, my suicidal friend... Utang na loob, wag ka bumigay...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento