Huwebes, Mayo 3, 2012

The Thinking Chair

Unang sumikat ang "Thinking Chair" sa Children's TV show na Blue's Clues. Ang Thinking Chair ni Steve ay isang sofa na mukang kumportable upuan. Dito siya nauupo kapag nakuha na niya ang tatlong clues ni Blue, at dito niya iniisip kung ano ang nais ipahiwatig ng asul na aso.

Sa opinyon ng blogger na ito, ang Tunay na Thinking Chair ay hindi isang sofa, o monobloc na upuan, o kahit office chair. Ang tunay na Thinking Chair ay ang Kubeta. Tama ang iyong nabasa. Kubeta nga. Bakit kamo?

Ewan ko kayo, pero ako, pag may life decisions o kapag nagiisip ako ng magandang kwento, naliligo ako. mga 30mins to 1 hour ako sa banyo. Nakaupo lang sa kubeta at nagiisip. Parang ngayon lang. Naisip ko to isulat lahat kasi kagagaling ko lamang sa kubeta. Everytime yan. ang mga magagandang sulatin ko ay naisisilang ko sa kubeta. Kasabay nito lumalabas ang  mga dumi ko sa katawan.

Ikaw, nasubukan mo na ba tumambay sa kubeta at magisip lang? Try mo minsan, masaya yun. Nakakarelax na, may mga magagandang ideya ka pa. Yeah ba!

Kaya tara na, tol! maupo ka na sa Thinking Chair mo at magsilang ka ng mga bagay na ikaw lamang makakaintindi!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento