Miyerkules, Mayo 2, 2012

Breaking the Habit

Ilang araw na din makalipas mula nang mag quit ako. Madami beses, ninais ko balikan. Pero Pinalakas ko loob ko. Pilit kong tinalikuran ang lason na pilit sinisigaw ang pangalan ko.

Pilit ko sinasabi sa sarili na kaya ko mabuhay na wala yun. Na nakamamatay yun. Hanggang ngayon pilit ko pa rin ito sinasabi sa sarili.

Ilang araw na din ako nakakulong sa kwarto. Nakikinig sa mga awitin na pumupukaw sa aking damdamin. Walang iba magawa kundi magsulat, at paikutin ang bolpen sa aking mga daliri.

Naisip ko, kapag andun lang ako sa kwarto, hindi ako matutukso. Hindi ako mapapalapit, hindi ko maririnig ang tawag. Tingin ko ligtas ako. Na wala mananakit sa akin.

Tama nga ba ako? Hindi ko alam.. Ilang araw pa lang ang nakalipas.... Malayo pa ang lalakbayin ko.

Ayoko ma adik. masama ito. Tingin ko nga nonsense na ang isisnusulat ko. Pero kung si Tado nga nakapag lathala ng kung ano at napublish pa to ng Psicom, ano pa kaya ako, na tulad ni Tado ay tila walang pinupuntahan ang sinusulat.

basta, ayoko ma adik. Tulad sa famous Linkin Park song: Breaking the Habit, Gagawin ko lahat. Just to break the habit that has held me for so long.....

And with that I end my rant. Thank You.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento