Huwebes, Mayo 3, 2012

Aaminin ko: two timer ako!

Oo. totoo nga. Hindi ako tapat sa isa. dahil meron pa akong ibang sinusulatan maliban sa una ko. Hindi ito alam syempre ng una ko, pati na rin ng kabit.

Pero ngayong gabi, with the lamp as my witness, Aaminin ko, Dalawa ang blog ko. sa dalawang magkaibang blog sites. (tententen!!! *dramatic music) Sino ang kabit kamo? Ang kabit ay itong  Blogger ko. Isang taon kami noon ng tumblr ko nang simulan ko ang relasyon namin ng blogger ko nung Marso 2011.

Proud ba ako? hmm.. petix lang. Dahil  nung pasukan, parehas naman sila na hindi ko napansin eh. At kung mapansin ko man, parehas ng post sa parehas. Para tuloy ako may dalawang kasintahan. kewl. pero joke lang.

Ayun, Buti nga ngayong bakasyon eh, namamaintain ko silang dalawa, at this time, hindi na parehas mga post.... well, may iba parehas, pero hindi na lahat. Ang totoo kasi niyan ay, mas updated ang tumblr ko. Let's face it, nauna yun eh, plus mas madami ako readers dun. at mga Taga PNU pa. Meron din ako mga International readers. Kaya karamihan ng post ko dun ay sa wikang ingles. (shout out to my internet friends: abbienana, dinosexual at stepintomyworldforawhile! you guys are awesome! :D ) Dito, meron din naman, pero hindi ganon karami. Nevertheless, readers pa din. Astig ka bro kung binibigyan oras mo tong blog ko.

So ayun, alam mo na sikreto ko. two timer ako bro. yeah. \m/

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento