Sabado, Hunyo 29, 2013

Back Reading

Habang nag aabang ng ibang gagawin para sa thesis namin, at dahil nakikigamit ako ng wifi ng kaibigan, naisipan ko balikan ang mga sinulat kong artikulo this time last year.

Nakita ko ang blogpost na patungkol sa unang dalawang araw ko sa ikatlong taon ng kolehiyo.

binasa ko ito. Nakita ko na napaka dali ng buhay kolehiyo kung wala ka pa sa huling taon. petiks. Salita yan na di alam ng mga kapwa ko Senior students ng Journalism.

OJT at Thesis sem to. lahat ng tao stressed sa paghahanap ng ojt pati na rin sa pagtapos ng thesis na may scheduled defense sa unang linggo ng Agosto.

Ako? hindi ako naiiba sa mga kaklase ko. nakahanap na ako ng OJT, pati, inaasikaso na din namin ang thesis namin. Konti na lang, matatapos na ito.

Mababasa mo sa iba kong blogpost kung kamusta ako sa OJT ko. masaya naman buhay intern eh. Hindi lang talaga halata.

Saan ba ang punto ko ukol sa post na ito? hindi ko din alam. hanggang dito na muna. medyo pagod ako...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento