May mga tao na swerte sa buhay... swerte sa career, swerte sa pamilya, at swerte sa buhay pag ibig.
Kadalasan na makikita mo, ay isang tao na swerte sa career, pero buhay pamilya niya ay isang napakalungkot na kwento.
Meron din naman, mga swerte sa pag ibig, ngunit hindi naman makapag trabaho ng ayos.. at syempre, meron din tao na swerte sa pamilya, pero pagdating sa pag ibig, ay olats.
May kwento ako tungkol sa isang nilalang...
Isang nilalang na minsa'y nangarap. Nangarap lang na minsan, sa buhay niya, may magmahal naman sakanya. Yung matatakot mawala siya, yung yayakapin siya kapag handa na siyang sumuko at puntahan ang punong may kapal. Yung magmamakaawang wag siyang lumisan... gusto niya ng tao na magmamahal sakanya na parang kung paano siya mag mahal...
Ngunit tila ito ay isang panaginip na kailan ma'y hindi masasagot. ni hindi mabibigyan katuparan. Hindi niya ito pinansin. Sumulat na lang siya. dinaan sa trabaho ang kalungkutan na kanyang tinatamasa.
"Hindi yun importante." paulit ulit niyang sinasabi sa sarili. Tuloy sa pagsulat, tuloy sa pagbuhay....
Minsan, siya ay umibig. minsa'y sumaya sa piling ng isa... Ngunit tila parang bula, ang pag ibig nito'y biglang naglaho...
Ang kawawang nilalang ay naglugmok... Naglaslas... ginusto magpakamatay... Hindi niya kinaya ang sakit sa kanyang puso. Masyadong mabigat... masyadong masakit...
Ngunit sa tulong ng pamilya, ay bumalik ang dating sigla...
Ngayo'y siya ay nakahanap ng bago. "ito na kaya?" tanong sa sarili. Dala ng trauma mula sa nakaraang relasyon, dinahan dahan niya ang pag tapak dito.
ngunit bago pa man umusbong ang pag ibig, ito'y inapakan, sinunog at pinatay. Ang pag ibig na inaasahan, ay pawang kasinungalingan.
Nagpapasalamat siya at hindi naulit ang nakaraan... ngunit sa kabila ng lahat ng magandang nangyari, Hindi niya mapigilan ang sarili sa pag isip.... "Hindi na ba ako nakatakdang lumigaya?" "habang buhay ba ganito ako? habang buhay na mag isa...."
"Siguro nga.." napagtanto nito. May mga tao siguro na nakatakdang mabuhay mag isa. walang masama dito, ngunit masaya sana isipin na sa pag dating ng araw ng iyong pagtanda, ay may aakay sa iyong paglakad kapag ang tuhod mo'y nilamon na ng rayuma. Na may magsasabi sayo na mahal ka niya kahit na ano ang mangyari...
Ngunit sa kasamaang palad, ang buhay na ninanais ng nilalang na ito, ay hindi para sakanya... Tuloy ang buhay. nagsusulat pa din siya... Hinayaan ang nararamdaman at nilunod muli sa trabaho ang lahat....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento