Dahil sa teknolohiya ngayon, ang mga writer ay hindi na sanay gumamit ng papel at bolpen sa pagsulat ng kanilang mga saloobin o kaya naman ay mga balita na nais nila iparating sa masa.
Ito ay aking napagtanto, nang minsan kami pasulatin ng balita sa klase. Dahil walang computers, o laptops o internet ang karamihan, gamit ang tradisyunal na bolpen at papel, isinulat namin ang balita. sa aking paligid, andami ko naririnig. Mga kaklase ko na panay sabi ng "Hindi ak sanay ng hindi tinatype!"
Napaisip ako nun, unti unti na natin nakakalimutan ang mga gawi na tradisyunal. Baka dumating tayo sa panahon na Hindi na ito ituro ng mga guro, sa halip ay diretso na sa kompyuter. Wag naman sana.
Mga bata ngayon? Ganon pa din. Hindi man natin aminin, pero sadyang malandi na sila noon pa man. mas lumandi nga lang ngayon...
pero pagdating sa laro, mas pinipili na ngayon ng mga bata ang video games kesa maki halubilo sa iba. Sa opinyon ng manunulat na ito, hindi dapat. matatwag niyo kong ipokrito, pero hayaan niyo ako mag explain.
Sa kasalukuyan, ako ay isang tao na mas pinipili magkulong sa loob ng kanyang silid at maghapon mag internet. Pero may panahon na mas ginusto ko maglaro sa labas ng bahay kasama ang mga madudungis kong kalaro.
Sa palagay ko, importante na makihalubilo ang mga bata sa kapwa nila bata para sila ay matuto ng mga life skills tulad ng pagkakaibigan at pakikisama.Pag lumaki kasi sila na lagi asa bahay at walang ibang nakikitang muka maliban sa kanilang pamilya, ay lalaki silang mahiyain at mahihirapan sila makisama sa lipunan. Nanaisin niyo ba makita ang anak niyo na nahihirapan sa pakikipagkaibigan? Hindi. Kaya pilitin niyo sila lumabas at bawasan ang video games.
Enganyuhin siya magbasa ng libro at sumulat sa papel. Ituro mo sakanila ang mga maliliit na bagay na nagbibigay liwanag sa kanilang buhay. Liwanag na magtatagal, hindi tulad ng sa cellphone na pagkatapos ng ilang sandali ay mawawala.
Ipakita mo sakanya ang mundo. Patingalain mo siya mula sa kanyang kinakalikot na gadyet. Wag mo siyang pabayaan makonsumo ng teknolohiya. Maganda ang mundo. kailangan mo lang tignan.
Ako? Naranasan ko na makihalubilo sa mga tao. Naranasan ko na madapa sa kalsada at umiyak pauwi. At sa pakikipagsapalaran ko sa mundo ng mga tao, napagtanto ko na Ayoko sakanila at mas nais kong mapagisa.
Hayaan mo madiskubre yan ng anak mo. Hayaan mo siya mabuhay. Wag mo siya ikulong sa teknolohiya
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento