SA PILIPINAS
ni Jose Rizal
Maganda't maalab na tulad ng hiyas na sa langit buhat,
Kahika-hikayat, malinisna gaya ng talang ninikat,
Kung ang mga ulap ay kinukulayan ng bughaw na wagas,
Natutulog man ang isang diyosang Kayumangging balat.
Ang bukas ng yakap ay buong pagsintang hinahagkan-hagkan
ng bulang manipis na dala ng alon niyong karagatan;
Ang kanlurang pantas, pati kanyang ngiti'y sinasamba naman,
gayon din ang dulo ng ubaning lupa'y ang aking ligaya't pag ibig.
Niluntiang miro't mga masanghayang bulaklak ng "rosas",
saka Asusena ang sa kanyang noo'y ikapit na hiya,
oh, mga "artista", purihin ang ating Mutyang Pilipinas!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento