well, iba na talaga ang panahon ngayon. Iba na mga tao, iba na ang mga gusto, iba na din ang mga trip!
Ako? Hindi ko siguro pansin, pero nagbago din ako. Hindi ko lam sa kung anong aspeto, pero alam ko andun yun.
Anyway, Ano nga ba ang buhay kung wala tayong pagbabago sa sarili? Siguro, hindi pa rin tayo naka move on sa pagsuot natin ng diaper, o sa pag inom natin mula sa mga bote natin. Kasi, kung totoo nga at walang pagbabago, hindi tayo makaka move on sa pag inom sa baso. tama ba? Lahat tayo magmumukang tanga. Ganon ang nagiging itsura ng isang tao na naglulugmok sa nakaraan at walang balak, mali. AYAW maghanap ng pagbabago.
Wala satin may gusto magmukang tanga. Ikaw ba gusto mo? ako ayoko. Sa totoo lang? Ayoko ng pagbabago. Pero tulad ng pagka Ayaw ko sa mga teachers ko, kailangan ko sila tanggapin at respetuhin. Kasi yun ang tama. napakahirap nito gawin, alam ko. Pero anong choice ba meron ako?
Tapos na ako magpaka tanga. Panahon na para tanggapin ko ang narito at para na din baguhin ang dati kong sarili. Tanga ako. gago pa. Walang may gusto sa taong ganon.
Maghahanap ako ng pagabbago. lalabanan ko ang sakit. hahampasin ko ng baseball bat ang lahat ng demonyo na pipigil sakin! Ayoko na malungkot. ayoko na magmukmok! gusto ko sumaya!
gagawan ko yun ng paraan. even if it means beating the hell out of everyone out there!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento