Huwebes, Marso 15, 2012

Isang Mababaw na Kabadtripan!

may napapansin ako, lalo na sa mga classmate ko nung hs na ngayon ay mga taga pribadong unibersidad. tawag nila sa mga classmate nila ay "Blockmates". hindi ko maintindihan, bakit ayaw nila ng classmate? I mean, hindi ba kasi, parang mas may sense of friendship pag ganon ang tawag?

Pag blockmate kasi, parang.... ewan ko... parang ayaw na ayaw niyo sa isa't isa, at kinasusuklaman niyo sila. sa Unibersidad kasi namin, ewan ko ah, parang kahit papano, mas close kayo sa isa't isa kahit d kayo magkaibigan, kasi tawag niyo sa isa't isa ay "classmate" naiintindihan mo ba ako? Hindi siguro.

Ako din eh, d ko magets kung ano problema ko. hahaha.... basta, kung kaklase kita ngayon kolehiyo at tinawag mo akong blockmate, iisipin ko kagad na ayaw mo sakin at kinasusuklaman mo ako at ang existence ko.

1 komento:

  1. tama,,, pareho tayo magulo ang utak,,,, hahaha
    please visit my blog too thanks,,,

    TumugonBurahin