"sumulat ka ng love story. yung nakakakilig."
Paano mo nga ba sisimulan ang isang kwento ng pag ibig? Kung ang kwento ng sarili mong pag ibig ay hindi mo mabigyan ng umpisa?
pag na in love ka, parang pinaubaya na ng katawan mo sa puso mo ang decision making. Initsupwera na nito ang utak mo. Puro puso. kesa na pagisipan mo, eh "instinct" mo na lang pinapakingan mo, kawawa naman yung maliit na boses sa ulo mo na sinasabi sayong: "tama na. nasasaktan ka na."
Ako? nabiktima na ako ng pag ibig. Ilang gabi na ang ipinagkait ko sa tulog, ilang galon na din ng luha ang idinilig ko sa lupa. At para saan? para sa isang taong wala naman paki kung ano ang nararamdaman mo. Para sa isang tao na pinasaya ka, na akala mo pinasasaya mo rin siya. Yun pala, hindi.
So uulitin ko, paano ako susulat ng kwento ng pag ibig, kung ang definition ko ng pag ibig ay "saya na kasing tagal lang ng umiihip na hangin"?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento