hindi na mahalaga. sasabihin ko rin naman eh.. Bilang isang pet owner, at animal lover, mahirap para sakin na makakita ng hayop na nasasaktan, o napagtitripan ng sino man.
dito sa bahay namin, meron kaming pitong pusa (ata), 4 na aso at isang pagong. lahat ng mga animals namin, hindi yan nagugutom. araw araw, dalawang beses kung pakainin namin yan. naaalala ko kasi ang sinabi sakin ng tatay ko nung bata ako... "makikita mo ang totoong ugali ng tao, sa kung paano niya tratuhin ang mga hayop."
naniniwala ako sa sinabi ng tatay ko na ito.
ang tatay ko ay isang nakakatakot na mama, lalo na kapag siya ay galit. pero mabait siya, lalo na sa mga hayop.
anyway, hindi ito tungkol sa tatay ko.tungkol to sa paglalakad ko kanina pauwi, at sa nakita ko.....
Kanina, maaga ako umuwi. hindi ko ito madalas gawin. pero kanina kasi, ninais ko umuwi ng maaga para medyo makatipid sa aking gastos. Nakatipid nga ako, kaso, I had a life changing experience...
So ayun, nilakad ko mula Anonas LRT station hanggang samin, para lamang makatipid ng 17 sa tricycle. plus exercise na din un oh. haha.
ang kaso, nagsisi ako at umuwi ako ng maaga kanina. mga mag aala una pa lang nun. andun na ako sa street namin. mga 3 o apat na bahay na lang ang layo ko mula samin, may nakita ako pusa. Black and White siya, nagkakalkal ng basura, malamang naghahanap ng pwede kainin. kinakausap ko un pusa, tinatatawag ko sakin, kaso mas abala siya sa paghanap ng pagkain niya. May ale nagwawalis sa labas ng bahay niya, nakita niya ung pusa, hinampas niya ng walis. binugaw niya.
ang natakot na pusa, tumakbo sa gitna ng daan. mukang natuliro. tapos may taxi na parating. bumusina ito. kaso lalo natuliro ang kawawang pusa. ang bilis ng pangyayare. gusto ko sana tumalon sa harap ng taxi para mailigtas ung pusa. kaso...
nasagasaan ng PUTANGINANG taxi na yun ung pusa, tapos kumaripas na papalayo. mukang napilay yung kawawang muning, at tumakbo siya at pumasok sa isang bahay... putangina talaga nung taxi na yun.
nung nasagasaan ung kawawang muning, ang tangi ko lamang nagawa ay, sabunutan ang sarili, at kagatin ang panyo na hawak na nagsisilbing pantabing ko sa mataas na sikat ng araw. "PUTANG INA!!!!!!" ang lakas kong sigaw. na yung ale na nang hampas sa pusa ay tinanong ako "ano nangyare sayo?" tangi kong nasabi saking state of shock: "nasagasaan yung pusa". Hutaena.. pinagtawanan ako nung ale!!!
naiiyak na ako nun sa shock at lungkot at awa sa muning, tapos pinagtawanan ako! pucha. naglakad na lamang ako pauwi samin. pagdating samin, umakyat ako kagad sa kwarto ko.nilock ang pinto. at nagkulong dun for 5 hours. hindi ko napigilan sarili ko. naiyak ako..hindi ko mapatahan ang sarili ko..
I cried myself to sleep. Nagising ako.. mga ala singko na ng hapon. d ako nagbihis. nakasuot pa din ako nun ng pinangpasok ko with medyas. kalmado na ako nun...
nagpapasalamat lamang ako sa kaibigan ko na nagalala sakin. atleast may nagcare.
oo. Naiyak ako sa nakita ko. Mababaw? oo. kung sa tingin mo mababaw yun, ayos lang. ayun ako eh.
gusto ko mag volunteer work sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS), kaso wala ako oras.
Isa pa yun, napaka ironic na ayun ung napili naming oragnization na ipprofile? or whatever.. d ko lam actually ung agagwin namin.. at ako ang maglelead.. chansa ko na to para makapunta dun. tingnan ko website nila..
tunay na nakakatouch yung mga ginagawa nila. gusto ko maging parte nun.
balang araw, magvovolunteer din ako sa PAWS. Yung nakita ko kanina, ay ang nagpabago sa akin...
pero ayoko na ule makakita ng ganon.. kahit kelan....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento