ang ate ko ay nagayos ng kanyang kwarto, nung nadala na ang bago nilang kama. nagalis siya ng mga ilang bag at plastic na puno ng mga libro. Ang ate ko kasi ay mahilig magbasa, lalo na nung siya ay dalaga pa. nakapag kolekta siya ng more than 20 books. at dahil ngayon ay may anak na siya, kailangan niya na alisin mula sa kwarto nila ng asawa niya ang mga libro na nkolekta niya.
bilang mabait na kapatid, tinulungn ko si te iakyat sa taas na kwarto ang mga libro. at bilang bayad, pwede ko daw angkinin ang mga libro na nagustuhan ko. isa sa mga ito ay ang aklat na "The Girls He Adored" na isinulat ni Jonathan Nasaw.
Nang sinimulan ko ito basahin, aba! hindi siya tulad ng iba ko pang mga nabasa. Tungkol ito sa isang lalaki na may personality disorder, ang pagkahilig niya sa mga babaeng may strawberry blond na buhok, at ang FBI agent na huhuli sakanya. masasabi ko talaga, na ito ay isang magandang basahin, at hinding hindi ka madidismaya.
ang awtor ng aklat na ito ay sadyang napakahusay, lalo na sa pag portray niya ng isang serial killer na may multiple personalities. oo. yung bida ay may pagka baliw. kumbaga, maraming tao na nakapaloob sa isang katawan. siya ay collectively known as Ulysses Christopher Maxwell Jr. ang kanyang mga magulang ay abusive, na siyang nagresulta sakanyang pagka baliw. mahusay siya. malinis gumawa. maikukumpara ko siya kay Gary ng mara clara. At napakastrange din, nang kanyang kinidnap ang kanyang psychiatrist. aniya ginwa niya iyon para tulungan daw sia ni Dr. Cogan.
basahin niyo ang libro na ito at alamin ang mga pinag gagawa niya sa mga babaeng "mahal" niya. at kun bakit mga kinukuha niya lamang ay mga babae na may strawberry blond na buhok.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento