Martes, Hulyo 31, 2012

July in a Nutshell

It's the last day of the month. And since I have a few minutes to kill while my PSP is loading up with games, why not talk about my entire month in 3 paragraphs? One paragraph for each part of the month: Beginning, Middle, and End. So here I go..

Beginning. The beginning of the month saw the birthday of Florabel's niece, Chloe. She is now a year old. It also saw the upgrading of my beloved PSP,which cost me 250 pesos. I also found out things I still wish I didn't know. Life sucks that way, but hey, whatever.

Middle. The middle of the month was when I discovered the powers of Cali. It's non-alcoholic, but it's all I can drink. Am I really as pathetic as Dave claims I am? I hope not. Anyway, around the middle of the month was when I first came and saw Manila. By that I mean, it was my first time in SM Manila and Carriedo. So yeah. I'm pretty happy because I got to spend it with SexyLove and LoveBabe.

End. The end of the month... hmm.. what can I say? I can't really complain. I think I'm finally over you-know-who. But I still can't stand the thought of them dating. It's still driving me mad. I'm still hoping they don't end up together because it will be a nightmare. But it's still their choice to make. I'm no one. They can do whatever the fuck they like. But speaking of couples, I hooked up LoveBabe with one of my friends. I hope that they become long time friends. It's only been a week, but I wanna see what else will happen in the next few weeks.

This post is boring. I know. So for consolation, Here is a Beatles track I really enjoy. Like me, I hope you guys had a good July and an even better August. Don't let the past mar your future folks!

Let's look forward to August. I just hope it brings with it better winds....


Lunes, Hulyo 30, 2012

Beatlemania pa din.

I am now in love with another Beatles song. ooohh.. It's the best song right after Hey Jude. It's a song about falling in love again.

You should listen to it. It's only like 2 minutes, so it wouldn't hurt for you to try it. The song's name is "If I fell". Apart from this song, another great song of theirs which I only recently discovered, is "And I love her". Again, you should listen to it.

I have been playing nothing but Beatles tracks for the past two days. Thank you LoveBabe for introducing these songs to me. Now, reader, it is your turn to love them. Listen to these songs so you may have an appreceation for Good Music. Adam Levine has nothing on Paul McCartney or John Lennon. NOTHING!!!!

If I fell - The Beatles
 
   

And here is is the song I am listening to right now: 

      And I Love Her - The Beatles

Happy Listening! :)

Linggo, Hulyo 29, 2012

Beatlemania!

Mula kaninang umaga pa on repeat sa youtube ang kantang to ng Beatles. Beatlemania ako dito sa bahay ngayong araw. I am in love with Paul McCartney's voice. Fan girl siguro ako ng grupo kung buhay na ako nung 60's. Haayy...

Anyway, For those of you who don't know the beatles, I pity you. Enjoy this song of theirs. :)


Kung mahal mo buhay mo, pakinggan mo tong kantang to. Next to Hey Jude, eto ang paborito ko. oh, I can't wait to make kopya kay LoveBabe ng mga kanta nila. :3

Cheers! :D

Sabado, Hulyo 28, 2012

His POV

Mga tao dumadaan. Nagtitinginan. Mga mukang tila asar, galit sa nakikita nila. Wala naman masama ah? Kayakap ko lang girlfriend ko. Lumuluha siya.

Wala talaga ako kwenta. Lumuluha siya sa balikat ko, habang ako nakatingin sayo. Hinigpitan ko ang yakap ko, habang dinadasal na nagseselos ka sa nakikita mo. Na nais mo ko bumalik…. Pero kita ko sa mata mo, na wala kang paki. Na ayaw mo na sakin. Na basura lang ako.

Dumating boyfriend mo. Hinalikan ka niya. Naramdaman ko ang selos. Umalis na kayo, hawak kamay. Muka kang masaya. Pinikit ko mata ko. Binulong ko sa kasintahan ko na wag niya ko iwan. Dahil sadyang mahal ko siya. Bumulong din siya na mahal niya ako. Na wala na siyang balak maghanap pa ng iba.

Alam mo kung ano nakakatawa? Yan din mismo sinabi ng aking nakaraan. Pero tignan mo ngayon, sumama sa iba. Kailan mo rin kaya ako iiwan? Handa na ako masaktan muli. Lagi naman ganito eh. Pero hangang sa araw na muli ako masaktan, mamahalin kita. Andito lang ako, hanggang pagsawaan mo….

Her POV

Hindi kita kagad nakita. nakatayo ka sa may fountain. Mukang may inaantay. medyo humaba na buhok mo. Pero Mata mong maamo, balat mong kayumanggi..Hindi ka pa din nagbago. muka kang nagaalala.... Inaantay mo ba siya? Siguro nga...

Ano ba nangyare sa atin? Oo, aaminin ko. ako may kasalanan. Hindi ako dapat sayo. Hindi ako bagay sayo. masama akong tao. Kasusuklaman mo ko pag nalaman mo ang totoo. Mas mabuti pang ganito. Masakit ba para sayo? Sa akin din. Pero gagaling din tayo. Tiwala lang....

Dumating girlfriend mo. Nakita kong niyakap mo siya. Mas bagay kayo. mas magiging masaya ka sa piling niya. Nakita mo ko, tapos hinigpitan mo yakap mo sakanya. Pinagseselos mo ba ako? Kasi tumatalab eh. Pero kita ko naman na nakalimutan mo na ako. Siya na ang mahal mo. Eto ba ang iniwan ko? Pinapakita mo ba sa akin? Pinapamuka mo ba sa akin na mali ako? Kasi ang sakit eh. Hindi ko to kaya....

Tumalikod ako sa inyo. Pag tinagalan ko pa kayo ng tingin, baka di ko kayanin at umiyak ako. Sakto naman dumating din ang bago ko. Hindi mo siya kasing galing magmahal. Sa totoo lang, hinahanap pa din ng balat ko ang yakap mo. Hinahanap pa din ng labi ko ang halik mo. Hinahanap din ng mata ko ang ngiti mong nakakaalis ng pagod at sama ng loob.... May iba nang nagmamayari nun ngayon. Hindi na ako....

Hinalikan ako ng boyfriend ko. Walang tamis. Walang kilig. Nagaya na siya umalis. Tumango lang ako. At pagtalikod niya, tumingin uli ako sainyo. Magkayakap pa rin kayo. Ang swerte niya talaga. Sana di ka niya iwanan. Wag sana siya tumulad sakin.

Ang swerte niya dahil meron siyang ikaw. Ang swerte niya meron siyang pagmamahal mo. Alagaan ka niya sana at wag ka saktan. Paalam na. Paalam na sa atin....

Writer Blues....

Bilang isang manunulat, syempre naranasan ko na din ang writer's block. Yung tipong, gustong gusto mo magsulat ng something worth reading, ang kaso eh, tila babaeng pakipot ang mga ideyang magaganda. Kung kailan mo inaakit na sagutin ka, eh ayaw mga magsilapit. halos matae ka na sa kakaisip, wala. Hindi pa rin darating ang  magandang idea.

Tapos kapag ikaw ay pagod na at nagnanais nang matulog nang mahimbing sa kama, BOOM! bigla siyang gagapang sa isipan mo at magsasasayaw, magiingay at hindi ka hahayaan na matulog ka. Pilit nitong nanakawin ang atensyon mo. Pilit tong magpapapansin sayo hanggang sa ikaw ay wala nang magawa kundi bumangon at ilagay ito sa papel o sa blog mo. Nakakabadtrip.

Sa kasamaang palad, eh ako ang tipong ma-pride, ika nga. Oo, napapansin ko ang ideya na nagpapapansin sakin habang sinusubukan kong matulog. Tulad kaninang tanghale. May dumating sakin na magandang ideya para sa isang istorya. Ang konsepto ay Love Story. Mahina ako gumawa ng love story. Paano ako gagawa ng love story kung ako mismo ay sawi? psh.

Anyway, hindi ako tinantanan nung konsepto ko na nabuntis si girl at nakikipagbreak kay guy. si guy hindi maintindihan kung bakit gusto makipagbreak. Tapos magkakaflashback sa kung ano ang mga nangyare. balak ko ay gawin ang storya mula sa POV ni Guy at girl. Tipong parang sa She's Dating the Gangster. Ayun.

Eh kaso, tinatamad ako bumangon kanina. So hindi ko siya nasulat. Hindi na din ako natulog. Umalis na lang ako papunta Cubao. Naglipas ng oras. Olats talaga ako. yan tuloy, may sakit nanaman ako ngayon. Psh. Ginusto ko to eh. Panindigan!

Ayun, medyo nakalimutan ko na kung paano ko isusulat yung kwento. Pero habang asa Cubao kanina, naisipan ko na eh. Kaso nakalimutan ko. Di bale. babalik din yun. sana.

Ang ideya ay parang pakipot na babae. Epal siya at mali ang timing dumating sa buhay ko.

Biyernes, Hulyo 27, 2012



Ang hirap magmahal noh. lalo na kung isa kang Jorge na hindi basta basta bumibitaw. Ano nga ba ang natutunan ko mula sa istaytment na ito?

Eto lang: Wag makipaglaro ng rubber band sa isang tarantado. Lalo na kung wala kang balak mag gamot ng sugat.