Huwebes, Hulyo 19, 2012

Untitled

"wala sa lahi ng mga Jorge ang nangiiwan."-- LoveBabe

kaya kung ikaw ay umibig ng isang Jorge, asahan mo, love of your life na yan. At kung sakali mang iwan ka ng Jorge, tiyak pagsisisihan mo habang buhay.

Hindi ako purong Jorge, pero gsto ko lang pagsisihan mo ang pagiwan sakin. Lalo na't minahal kita ng tunay at tapat.

Hindi man naging tayo, alam ko ramdam mo din ang pagmamahalan natin.

I just hope, na worth it ang lahat ng gnawa mo sakin.

#ViaMobile

Perstaym

Kakaiba tong araw na to. Ang dami ko firsts. No. Hindi siya yung iniisip mo. hahaha.

The day started out pretty good. We reported. I did a pretty good job if I do say so myself. After class, I accompanied my friend to SM Sta. Mesa in hopes of buying a PSP, to no avail. He ended up buying a second hand one in Marikina Riverbanks.

And whatever happened to me? After SM Sta. Mesa, we said our goodbyes, and I boarded a bus. I rode a bus for the first time on my own. I don’t know, for me it’s a bit of an achievement. I went to PNU where my LoveBabe was waiting for me. I met up with him, and we went to SM Manila. Again, It was my first time in SM Manila. It’s a bit smaller than SM Sta. Mesa, but it was okay. I was with LoveBabe and I was pretty happy. :)

I finished my lunch at the food court. I was eating it at school earlier, but since my buddy was in a bit of a rush to get to SM Sta. Mesa, I wasn’t able to finish it. LoveBabe said that we weren’t allowed to stay there unless we were eating, so we decided to go around, since it was after all, my first time in SM Manila. Toy Department. That was our favorite place. We always visit the Toy Department, in whatever Mall we go to. As usual, he was looking for a certain Hot Wheel, while I was looking at video games.

14:30. SexyLove was at the mall. We were waiting for her. She just came from Intramuros, she’s sweaty. We then got onto a jeep. We were headed for Carriedo. It was also my first time there. Yes, yes, I know. I haven’t been to see the world much. Mostly, Manila. But hey, at least I’m doing it now, right?We went there to buy a present for our aunt. An iPhone 4s hello kitty case. We eventually found one after searching for some time. And it cost us like 200.

Actually, we were supposed to go to 168. I have no idea where that is. But we didn’t, because it was already 15:30. And we all have classes tomorrow. So yeah, Maybe next time, we said.

LoveBabe was waiting for his dad. So we stayed with him until 5 at Isetann Recto. And no, it wasn’t my first time there. more like my second. So when his dad got there, We said goodbye to LoveBabe, and went home. Obviously, SexyLove and I took the Train. (TRENding ang LRT. hahaha. *okay.ignore this.*)

I was home by 17:45. Awesome. I had a pretty awesome day. Groupmate2 apologized for whatever happened last Sunday and God is beginning to answer my prayer that I forgive her. Everyone enjoyed my report, especially me. and I got to spend more time with SexyLove and LoveBabe. Plus I got to do loads of new stuff. This is a total opposite of my Monday, which is totally Awesome!

I guess life isn’t so bad. Especially after so many bad days, you get to have an amazing day like today. I’m gonna be a bit more optimistic and start the day with a smile on this tired old face.

I hope you guys do the same. Life’s crappy. But it’s the way you look at it that matters. So for those thinking that life’s full of shit, you’re right, it is. But that doesn’t mean you can’t scoop up the shit and turn it into compost to make better growing flowers. Remember, even crap can be useful.

Let’s just try to be happy. Even if it is Easier said than done.

Cheers! :D

Miyerkules, Hulyo 18, 2012

Usap

Nagtxt siya. Usap daw kami. Kakaibang pampagcng.

Nagcng ako dahil sa kaba. What could we possibly talk about? Ang totoo niyan, sobrang takot ako sa kung ano ang lalabas sa bibig niya. Feeling ko kasi panibagong heartbreak nanaman to para sakin eh. Wew!

Lord, ikaw na bahala. Pero kinakabahan talaga ako. :/

Martes, Hulyo 17, 2012

Katam

Ang aga ko nagising. Wala na ako agenda ngayong araw. Tinapos ko na kasi kagabi HW ko eh.

Ngayon, dapat punta ako work. Kaso sinusumpong ako ng katam. Hayst.

Pasok pa ba ako? I feel compelled to do so. Kaso d ako nakahngi ng pera kay ina.oh well,anjan naman si ate eh.hehe. Bahala na.

Ay,pakipaalala nga pala sakin na asikasuhin na ang aming Special Topics Powerpoint. Salamat!

Cheers readers!

#via mobile

Work

Work. Meron ako niyan bukas. psshh.. Ang totoo niyan, tinatamad ako ule umalis bukas. Pero nagskip na ako last week. Kailangan ko pumunta bukas, kundi lagot ako. hahaha.

Okay lang naman ang work eh, sana nga lang may bayad para medyo mas sinisipag ako pumunta dun at makihalubilo sa mga tao. For some reason, mahiyain ako pag sila na kaharap ko eh. leche. Andun pa namn si Vince na pogi. Si Vince na may billboard sa EDSA. Si Vince na nahihiya ako kausapin kasi ang gwapo niya. Haaay...

Three months na ako nagwowork, Three months na, at wala pa din ako kaibigan dun. Ako na loser. Pero sakto lang. Once a week lang din naman ako pumunta dun eh. Iilan lang din ang tao na makikita ko dun.

Required ako bumawi ng dalawang oras bukas. So Required ako mag four hour shift bukas. kaso, tinatamad ako eh. Magquit na kaya ako? hmmm... Bahala na.

Ay, yung tungkol dun sa pagbebenta ng hotwheels.... Magaaksaya ako ng 500 para dun. Tuloy kami. Bibili na kami ng stock sa Divisoria in a few weeks. Ayos. Siguro, pag naging ayos to, baka iquit ko na yung isa kong job. Kaso naka kontrata ako for six months. at nangangalahati na ako. Tapusin ko na lang kaya? hmm.. Ulit, bahala na.

Ang tumal ng gabing to.

Cheers Readers!

Lunes, Hulyo 16, 2012

Masama ang Timpla

Hindi kape ang tinutukoy ko. Hindi din Iced Tea. Araw ko ang masama ang timpla. Kanina ko lang ule naranasan ang mabadtrip ng sobra sobra. pssshhh...

Tara, inom tayo ng Cali at kkwentuhan kita. Sensya na. Hanggang Cali lang ako. Pero pwede na yan. hehe. Eto na. magsisimula na ako:

Sisimulan ko kahapon ng tanghale. Nagtxt si leader. sino daw pwede gumawa ng powerpoint para sa Sports Journ report namin. ako: "siguro naman may iba nang sasalo niyan. Ako na gagawa para sa Special Topics eh." Lumipas ang araw.

9:20 PM. Nag online ako. Nagwallpost si groupmate1: "Pwede ba ikaw na gumawa nung sinasabi ni leader na powerpoint?" Ako: sige. ano ba gagawin dun? Groupmate1: tanungin mo si groupmate2. etc...etc.....

nagmessage ako kay groupmate2: paano ba gagawin dun sa Sports Journ? nakakabadtrip na reply ni groupmate2: wow ah. kanina pa yung text ngayon lang nagtanong. si groupmate1 na lang ata ang gagawa.
ako: ako na daw. siya na daw magsearch. di ko naman alam na walang gumawa eh. sorry naman!
groupmate2: so iaasa nyo lang na "ah may gagawa na nyan" ganun. salamat ah. nakakahiya naman sainyo. paguwi ko kase wala pong internet kay sinabi ko kay ariane kaya kay groupmate1 pinagawa sorry naabala kayo. basahin mo nalang yung comment ko sa wallpost kay groupmate1 okay. salamat sa paggawa ng powerpoint.

pucha. sa reply niyan yan... tangina...... sobra ako nabadtrip. Kagabi ko lang ule naranasan ang pagkabadtrip ng husto! tangina, sinimulan niya eh. Ang ending, ako pa din gumawa ng powerpoint namin. Nagtext si groupmate2. tangina, nagsosorry dahil ang taray daw niya, etc.. etc...

mas lalo ako nagalit. pucha! Ang ayos ayos ng pagtanong ko, gagaguhin mo ko ng ganon, tapos ineexpect mo na magiging cool lang sakin lahat yun? Pota, mabait ako, pero sana naman di ba hindi ka ganyan? Ang bait bait ko sayong kaibigan, tapos ganyan. ayos ka ah.

Puyat ako. 3am na ako nakatulog dahil sa lintyak na powerpoint na yan. tapos, potangina, HINDI DIN NAGREPORT! Sumobra na pagkabadtrip ko kanina. Sa sobrang badtrip, natatawa na lang ako.

Hindi ko pinansin si Groupmate2 buong araw. badtrip ako sakanya. Kahit sabihin niya nagsorry siya, parang wala din eh. Naiinis ako sa ugali niyang yun. Hay nako.

Dahil sakanya ang sama ng timpla ng araw ko eh. tangina lang talaga. Ang totoo niyan, hindi lang ito nagpasama ng timpla ng araw ko eh. Madami pa. At dahil hindi pa ubos ang Cali ko, sige, itutuloy ko.

before class, si leader, inutusan kami ni Groupmate1 na bumili ng dyaryo dahil kailangan daw. kaya ayun, lakad kami papunta CEA. walang bilihan ng Dyaryo. Lakad kami Pureza. wala pa din. Nakahanap na kami, malapit na sa kanto. Pagkabili namin, nag aya na si Groupmate1 na magtricycle dahil nakasalubong na namin si prof papuntang College namin.

Edi trike naman kami. nakamput! HINDI UMIKOT SA COLLEGE NAMIN!  dahil sa ginagawa ang daan, ang layo ng inikutan ng trike. nagpababa na lang tuloy kami sa may simbahan. at NAGLAKAD KAMI. pucha, ganon din. dapat naglakad na lang kami. di pa sayang ang siyete.

Oras ng klase. may nagreport. nagpakita ng video ng finals ng V-League. mga huling sandali na yun. Ayos. After nun, pinagawan ng kwento. nag init ulo ko lalo. leche. Bara bara tuloy ginawa kong article. pft! Pwede na yun.

haay.. pahamak ang Sports Journ. pero steady lang. Kailangan yan sa buhay natin eh. Pero swear, etong araw na to ang PINAKA NAKAKABADTRIP na araw ko so far. Nabbwisit pa din ako pag naaalala ko si Groupmate2. bahala siya. naiinis ako sa ugali niya.

kakalma din ako. Ako pa? Haay... Sige na nga. hanggang dito na muna. nakapagvent na ako ng ayos eh. Tska, ubos na din ang Cali ko. Pampaalis BV din. hehe.

Cheers!

Ano bibilhin mo sa una mong sweldo?

Pag nagsama sama ang barkada, at naubusan na ng conversation topics, Eto lagi ang bigla nilang itatanong sayo. “Ano bibilhin mo sa una mong sweldo?”

Syempre, lagi ka dapat may sagot dyan. Meron iba ang sagot eh “Ewan”, Yung iba naman “bibilhan ko ng something nice ang sarili ko. Syempre unang sweldo eh, akin muna yun!” at yung mga less selfish: “ibibigay ko sa parents ko. Pandagdag gastos sa bahay.”

Syempre, kanya kanyang pera, kanya kanyang diskarte yan. Eh ako? Ano nga ba plano ko sa una kong paycheck? Kung tinanong mo ko nung high school, siguro sinagot ko eh, pang  tulong kina ina at ama. Pero nang tumanda ako, medyo naging selfish din. Hindi mo maiiwasan yun.

Kolehiyo. tinatanong ule sakin yan. Ang sagot ko naman ay: “ipapaupgrade ko ang pc namin.” “Bibili ako ng bagong playstation.” “bibili ako ng Video games pang ps2!” “bibili ako ng ganito… ganyan…” Kitams? napaka selfish! tsss…. pero never ko sinabi na gusto ko bumili ng bagong selpon. ewan. Never lang talaga ako nahilig sa mga bagong modelo ng selpon. Bilis din kasi malaos eh.

pero dati yan. Ngayon, pag tinanong mo ko, may bago na akong sagot. “Ano bibilhin mo sa una mong sweldo?”ako? papacheck up ako ng mata, at bibili ng bagong salamin.”

bakit kamo? Napaisip kasi ako. Ano nga ba ang pinaka may sense na gastusan ng una mong kita? Napagtanto ko na salamin ang best option. Dahil sa aking buhay trabahador, importante na tumayo ako sa sarili kong paa at makita ang mundo as it is. Eh paano ko makikita ang mundo kung malabo paningin ko?
Mula pagkabata ko eh si ina ang nagbabayad sa optometrist para sa yearly eye check up ko. Oo. kailangan yan.

Never ako nakamiss ng yearly eye check up ko every February.
So ayun, magpapacheck up ako. Bibili ako ng bagong salamin. gagawin ko tong simbolo ng aking independence. Ipapakita ko na kaya ko na harapin ang mundo ng magisa. na maliwanag ang lahat sakin.. etc. etc…

Ayos di ba? Mas may sense kesa video games, which, hindi ko na malalaro pagdating ng araw dahil magiging Working Class Hero na ako. (ang lungkot na ang saya isipin. hehe)
Kaya ayun. Ngayon alam niyo na kung ano gagawin ko sa una kong sweldo.

 Eh ikaw, ano bibilhin mo sa una mong sweldo?